Chapter 7

64 14 8
                                    

"Goodmorning." ang sabi ni Fran na nag-iinat sa veranda ng kwartong kanyang tinulugan. Tinatanaw nito ang malaking sakop ng hacienda. Tanaw rito ang mga sakahang natuyot mula sa malayo. Tila ba hindi na ito nataniman ng napakatagal na panahon.

''Goodmorning, ate Jeanne." ang sabi ng isang baritonong boses mula sa likuran ni Fran na ikinagulat niya kaya naman sinipat nito ang suot. Nakasuot ito ng pares na pajama at blusa na pantulog.

''What are you doing here?" ang iritableng tanong ni Fran sa taong nakatalikod sa kanya. Nagsasalin ito ng tubig kaya naman hindi ito nakaharap sa kanya.

''Ate, diba kwarto ko ito?'' ang sagot nito na patuloy parin sa ginagawa at kasalukuyan na itong umiinom.

"A-anong sa-sabi mo?" ang nauutal na tanong ni Fran. Pamilyar sa kanya ang pagkilos ng taong ito ngunit hindi niya matukoy kung sino.

Ibinaba ng lalaking nasa harapan niya ang baso matapos nito uminom at halos nabato sa kinatatayuan si Fran ng makilala ang taong nasa kanyang harapan. Tila napahiya ito kaya agad siyang pumasok sa banyo. Tiningnang mabuti ni Fran ang sarili mula sa salamin. Mukha siyang aswang sa ayos ng buhok niya at puro pa siya muta. Biglang namula si Fran sa kanyang isipan. Nahihiya siyang nakita siya nito sa ganitong ayos. Agad na hinilamusan ang mukha at nagsipilyo.

''Anubayan.'' ang sabi ni Fran sa kanyang sariling repleksyon dahil hindi niya mapagdesisyunan kung anong gagawin sa kanyang buhok. Kaya naman sinuklay niya lamang ito gamit ang kanyang kamay at lumabas.

"Gusto mo bang mamasyal?" tanong ni Ralph kay Fran nang makalabas ito ng banyo. Nakagawad sa maaliwalas nitong mukha ang matamis na ngiti.

'Kahapon lamang ay halos magmakaaawa siya upang pakinggan ko ang mga paliwanag niya pero ngayon parang normal lang ang lahat.' ang isip-isip ni Fran kaya naman umakto na lamang siyang normal ang lahat.

"Don Ralph, nakahain na po ang almusal. Tinawag ko na rin ho lahat ng bisita ninyo." ang sabi ni Jeanne mula sa labas ng kwarto ni Ralph.

"Sige po ate. Susunod po ako." ang sagot naman ni Ralph na binuksan bahagya ang pintuan.

"Ano? Gusto mo bang ipasyal kita sa hacienda mamaya?" ang tanong ni Ralph muli kay Fran ng hindi ito sumagot.

"Ralph..." nanghihinang nabanggit na lamang ni Fran ang pangalan nito. Hindi niya alam ang sasabihin. Ayaw niya ang pakiramdam na umaakto itong ayos ang lahat.

"Oh bakit? Anong nasabi ko? Bakit ka umiiyak?" ang nag-aalalang tanong nito, dahilan para lumapit ito ngunit hindi nito alam kung papaano aaluin ang dalaga.

"I will move to the other room, you can use this room if you're comfortable here. So please stor crying." ang tanging nasabi lang ni Ralph bago nito kinuha ang ilang mga gamit mula sa kabinet nito.

Wala namang nagawa si Fran kung hindi manahimik nang umalis ng kwarto si Ralph. Hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon ay wala paring kapaguran ang mga mata niya sa patuloy na pagluha. Sa tuwing naalala nito ang mga pangyayare noon ay tila bumabalik sa kanya ang unang araw na malaman niyang wala na ng Pilipinas ang taong mahal niya. Ang taong bumuo ng mga pangarap niya. Ang taong nagbigay sa kanya ng dahilan para mabuhay sa pangalawang pagkakataon.

"Ayos ka lang ba, Fran?" ang seryosong tanong ng taong kakapasok lamang ng kwartong inookupa ni Fran.

"Ran, ayos lang ako. Pwede ba lubayan mo muna ako," Pinahid nito ang sariling luha at saka pumasok sa banyo para ayusin ang sarili.

"Kumalma ka lang, Fran. Umakto ka ng normal. Saka mo kausapin si Laine mamaya." ang kausap ni Fran mula sa kanyang repleksyon. May kasama pa itong pagturo sa kanyang sarili sa salamin.

"Fran, sasamahan naman kita kung babalik ka ng cavite. Nandito lang ako lagi, brad. Wag ka na umiyak dyan. Gusto mo ba, palayasin ko na sa bahay si Ralph, ngayon din?" ang wika ni Ran mula sa labas ng pinto ng banyo kung nasaan si Fran.

"Ayos lang ako, Ran. Kaya ko. Kaya ko na!" Muling lumabas ng banyo si Fran at hinarap ang kaibigan ng buong tapang. Saka ito naglakad palabas ng kwarto.

Destiny: Franchesca Moretz(ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon