"O paano, iiwanan na muna kita at kakausapin ko pa ang mga kaibigan natin tungkol sa pagpapakasal namin ni Rio." ang sabi ni Laine kay Fran bago nito iniwan ang dalaga.
Halos matagal na nakatulala lamang si Fran sa tubig na laman ng swimming pool bago nito naisipan na magbabad rito.
"Why you didn't tell that you are going to swim? Uso mag-invite Franchesca Moretz, anak ni Lili at Niel Moretz." ang sabi ng bagong dating na si Ran.
"You know what, Ran?--" Hindi na natuloy ni Fran ang sasabihin nang barahin ito ni Ran.
"I don't know Fran." ang pagsabat ni Ran sa sasabihin ni Fran.
"Nevermind." ang sagot ni Fran na halatang napikon sa inasta ni Ran kaya naman naglangoy lang ito patungo sa kabilang banda.
Malakas na tawa naman ang ginawa ni Ran dahil gustong gusto talaga nitong nakikitang napipikon ang kaibigan. Bata pa lamang ang mga ito ay madalas ng asarin ni Ran si Fran.
"YOU KNOW RAN, I REALLY DON'T HAVE ANY IDEA WHY YOU'RE MY FRIEND. YOU DON'T HAVE ANY GLIMPSE OF MY STANDARD." buong lakas na isinigaw ni Fran ito kay Ran.
Napatigil naman sa pagtawa si Ran at tinignan sandali si Fran bago muli itong tumawa. Sa sobrang asar ni Fran ay umahon ito mula sa pagbababad at saka naglakad patungo sa pintuan papasok ng bahay, ngunit bago pa ito makapasok ay may naglagay ng tuwalya sa kanyang balikat.
"Basang basa ka pa, magpatuyo ka muna." ang mahinahong bulong ng taong naglagay ng tuwalya sa balikat niya. Lilingunin niya na sana ito nang pigilan siya nito at bumulong muli sa kanya.
"Count 1-10 before you turn."
Masunuring nagbilang si Fran bago ito lumingon. Kinabahan siya kaya naman sinunod niya ito. Nang lumingon ito ay wala na ang taong naglagay sa kanya ng tuwalya bagkus ay may nakadikit sa glass wall na isang sticky note. Nakalagay lamang ang number 30, isang araw na kulay pula at dilaw, at kamay na nakaturo sa pool.
"What does it mean? September 30 on the sunset at the pool? O gosh, this is so creepy." ang kausap ni Fran sa sarili na pilit iniintindi ang clue na iyon ng sticky note.
"Hey, Fran. Did you already know about..Wait, are you okay?" Gulat na gulat na kinuha ni Fran ang sticky note at tinago nito sa loob ng tuwalya ang mga kamay na hawak-hawak ang note. Saka nito hinarap si Sofia na kadadating lang.
"Yes, of course I do." Pilit na ngumiti si Fran kay Sofia at saka ito nagsalitang muli. "Ano nga uli yung sinasabi mo?"
"Oh, Kuya Rio and Ate Laine will be getting married this coming September 30, 5pm." ang sabi ni Sofia na kumikinang ang kanyang mga mata.
"What? Spetember 30?" ang tanong ni Fran.
"Well, nakaplan na kasi lahat. Tayo nalang pala talaga ang hindi inform. Even their parents know about all of this. Even Ran expect this. I can't believe ate Laine and kuya Rio didn't even bother to let us know about their marriage thing..." Patuloy na nagkwento si Sofia kay Fran habang papasok sila ng bahay.
"Wait, Sofia. Did you just say na September 30 ikakasal si Kuya Rio at Laine? 5 pm exactly?" ang nagtatakang tanong ni Fran rito.
"Yes I did, September 30, 5pm at the garden of this mansion." ang pag-uulit ni Sofia sa impormasyon.
"Thank you Sofia. I will hang-out with you guys later. I need to take a bath first. See you around." ang sabi ni Fran na nagpatuloy na sa pag-akyat sa kanyang tinutuluyang kwarto.
Nagtataka man si Fran ngunit malakas ang kutob nito na sa mismong araw ng kasal ni Rio at Laine ang tinutukoy ng note.
BINABASA MO ANG
Destiny: Franchesca Moretz(ONHOLD)
RomanceSubaybayan ang kwento ng isang babaeng umaasa parin na hanggang ngayon ay matuldukan na ang mga tanong na kay tagal niyang tinago. Mga tanong na ni minsan ay hindi nagkaroon man ng kasagutan. All Right Reserved Copyright 2018 Written by AR Ramos
