Alam mo yung sobrang nakakastress sa school dahil nag-sabay sabay lahat ng activities, projects, and exams. Yung halos wala kang tulog. Papasok ka palang Haggardo Versoza kana.. By the way! I'm Kassie Lopez nag aaral ako sa National High school sa Cavite. Nasa Section 2 ako kaya msyadong mataas ang expectation sa amin ng mga teacher namin, kaya kailangan galingan.
After class lagi kong kasabay si Pamela Mendoza Pammy for short. Siya yung babaeng lagi kong kasama kumain, gumala, mag shopping .. kasundo ko sya kase nasasabayan nya ko sa mga trip ko. So yun nga lagi kami magkasabay kasi magkalapit lang bahay namin. Then habang pauwi kami nakasalubong namin yung kababata nya.
"Uii Joe! May papakilala ako sayo! Kassie si Joe kababata ko, Joe si Kassie classmate ko"
"Hi Joe! Im Kassie" naging friendly ako pero sya alam mo ba ginawa nya? Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa sabay sabi ng "ah OK" nakakainis sya! 😡 akala mo kung sinong gwapo. Darating ung araw na magkakagusto ka sakin. Bwisit! Hu u ka sakin!
Sa sobrang inis ko sa kay Joe, nilayasan ko na sya "Sige uwi na ko Pammy punta ka nalang sa bahay mamaya (baka masapak ko yang Joe na yan)".
Kinagabihan pag punta sa akin ni Pammy di ko napigilan sarili ko na magtanong tungkol kay Joe
"Oii Pammy bat naman ganun yung Joe na yun? Kung tignan ako mula ulo hanggang paa. Ang sungit naman masyado nun"
"Hahahahaha! Ganun talaga yun pag kakakilala palang nya. Pag naging close kayo sobra naman sya kung makapag trip, mabait yun."
"OK! Nainis lang talaga ko sa kanya kanina kaya natanong ko. Grabe naman kasi kung tignan ako mula ulo hanggang paa" hayy naku OK pagbigyan mabait daw. Mabait DAW! owmy G! Si Levin ba yung paparating? Owmy! Sya nga! isa sa mga pogi na kabatch ko nung elementary ako.
"Hi Levin! Kamusta na? Ayy nga pala kaibigan ko si Pammy. Pammy si Levin kabatch ko sya elementary. Levin si Pammy classmate ko"
"Oh Hi! Nice to meet you Pammy"
Oh diba ang bait nya ❤
"Anong ginagawa nyo dito sa labas? Gabi na ah"
"Ahm wala naman kwentuhan lang. Kamusta kana?"
"OK lang naman ako, ayun busy sa pag aaral. Ikaw kamusta kana?"
"OK lang din naman ako. Ito sobrang stress sa school nag sabay sabay kasi yung activities, projects tsaka exams"
"Ah kaya mo yan! Ikaw pa ba? Top 1 ka kaya nung elementary tayo. Sisiw yan sayo"
"Hahaha grabe naman nung elementary lang yun no!"
"Sige uwi na ko may mga gagawin pa din kasi ako eh, bye Kassie bye Pammy"
"Kassie! Close kayo? Owmy! Pogi na mabait pa ha!"
"Ahm hindi nemen meshedo negeng skelmeyt ke leng sye neng elementery. ARAY!!! Bakit mo ko binatukan"
"Arte mo girl! HAHAHAHA Levin ka pala ah"
"Enebe pemmy! Kenekeleg eke!"
"Ang landi mo girl! Uuwi na nga ako HAHAHA matulog ka ah! Baka naman di kana makatulog nyan"
"Bwisit! HAHAHA panira ka ng moment! Kinikilig yung tao eh!"
The next day
Kaloka! Ang aga aga get 1/4 sheet of paper. Quiz agad!!!
"Pammy! Pakopya ko ah di ako nag review eh"
"Ayan! Levin pa more! Di kana nakapag-review kakaisip sa kanya"
"Oi hindi naman! Grabe ka"
After ng quiz nagpa break si ma'am
"Kassie, Si Levin oh! Anong ginagawa nyan dito?"
"Owmy! Owmy! Nasan nasaan???!"
"Bulag! Ayan oh malapit sa may registrars office"
"Tara lapitan natin!"
"Hoyy! May klase pa tayo"
"Saglit lang naman eh" panira ng moment talaga tong si Pammy "Hi Levin! Anong ginagawa mo dito?"
"Uii dito ka pala nag aaral. Magtatransfer kasi ako dito pinalipat ako ni mama kasi mas malapit to sa atin eh"
"Ah ganun ba? Gusto mo tulungan na kita mag ayos ng mga kailangan mo?"
"Oii Kassie! May klase pa tayo may activity pa tayo na gagawin"
"May klase ka pala eh, OK lang ako kaya ko na to. Sige na pumasok na kayo baka malate pa kayo. See you later"
"Ah sige pasok na kami." Pammy panira ka talaga girl!
Lumipas ang ilang buwan naging close kami ni Levin. Araw araw na siyang nasama sa amin ni Pammy. Gala man o foodtrip. Masaya akong kasama si Levin kasi di sya boring kasama. Magulo, makulit pilosopo. Di ko nga alam kung nagugustuhan ko na sya o sadyang nag eenjoy lang akong kasama sya. Pag gumagawa ng assignment magkasama din kami isa narin sya sa kasabay ko umuwi. Minsan pag may lakad si Pammy siya ang kasabay ko hinahatid nya ako sa bahay. Tapos mag stay muna sya sa amin makikipag kwentuhan. Ewan ko ba .. ang gaan gaan ng loob ko sa kanya. Ang kulit kulit nya pa kasama kaya tawa ako ng tawa sa tuwing mag kasama kami. Di sya nauubusan ng kwento. Si Levin yung kilala kong tao na matalino, makulit, pilosopo, masayang kasama. Di ko lang alam kung ganyan talaga sya o yan lang nakikita ko dahil nga siguro nagkakagusto na ako sa kanya.