Chapter 4

56 3 5
                                        

Lumipas pa ang ilang araw, di na kami sabay nagbibreakfast.. nagtataka ako bakit hindi na.. wala na ba panglibre sa akin boyfriend ko? Hahahahaha joke lang.. busy lang talaga siguro siya.. nagsabay sabay din kasi yung mga projects, quiz at long exam. Busy lang siguro yun, ang dami kasing dapat asikasuhin. So dahil nga alam ko sobrang stress na si Levin, nag decide ako na ayain siya kumain sa labas para makaiwas naman kahit saglit sa stress.

"Hi pa! Busy ka ba? Kain tayo sa labasako naman ngayon ang may sagot. Lagi nalang kasi na ikaw ang nasagot eh."

"Hi ma, sorry kung hindi na tayo nakakakain ng sabay ah. Sorry din kung hindi ako masyado nakakapagtext or chat sayo. Sobrang busy kasi eh. Tapos anniversary pa ng church"

"Ok lang pa naiintindihan ko naman eh. Pa, ngayon ba pwede ka? Kain tayo. Miss na kasi kita"

"Sorry ah, next time nalang po, dami kasi talaga ginagawa ngayon eh. Pasensya na talaga"

Aray ko bh3! Tumanggi siya. Di niya ba ko namimiss?

"Ayy sige po.. pasensya na. Naka istorbo pa ata ako."

"Ok lang po. Sige text nalang ako mamaya."

Mga anong oras kaya yung mamaya niya? 🙁 di na siya tulad ng dati na laging nagtetext, laging nagchachat at laging natawag. Anong nangyari? Baka busy lang talaga siguro .. ayyy nakoooo Kassie nag iisip ka lang ng kung anu-ano! Tumigil kana busy lang yun. Itetext ko nalang si Pammy. Baka siya may time para sa akin drama ko hahahaha

"Pammy!!! May ginagawa ka? Alis tayo."

"Ano te? Himala nagtext ka at nag aya kang gumala. Walang Levin Levin ngayon ah"

"Ayy nakoooo mag ayos ka na punta na ko sayo"

"Ok ok! Ito na mag aayos na"

Nag punta kami ng SM Bacoor ni Pammy gala tapos kain syempre di mawawala ang SHOPPING!!! Nagpunta kami sa may Acer malapit dun sa sinehan. Nagbabalak ata bumili ng bagong laptop si Pammy. So habang nag titingin siya lumabas muna ako. Nagtingin ako kung ano ang showing ayain ko nalang siya manuod para di ko maisip yung pag reject ni Levin sa akin. Pero laking gulat ko paglingon ko sa kanan. Kung di ako nagkakamali si Levin yung nakita ko.. may kasamang babae. Sino yun? Sh*ttttttt sana mali ako. Sana hindi siya yun.. subukan kong itext. Nababadtrip ako ah.

"Pa, nasaan ka? Nasa bahay ka ba?"

After 2hours siya bago nakapagreply sa akin.

"Oo nasa bahay ako. Bakit mo natanong?"

"Nandito kasi ako sa SM .. akala ko ikaw yung nakita ko"

Road to ForeverWhere stories live. Discover now