Chapter 3

53 3 0
                                        

Seryoso siya sa panliligaw niya. Hindi ko akalain na may gusto din siya sa akin. Pwede bang ngayon pa lang sagutin ko na siya? Baka kasi magbago ang isip HAHAHAHA malandi!! Sobra akong kinikilig. Baka mamaya masabihan ko siya ng I LOVE YOU sa sobrang kilig ko. Ayy naku Kassie kumalma ka! Mamaya nadudulas nanaman yang dila mo!

"Kassie tara na ihahatid na kita, akin na mga gamit mo ako na magdadala baka nahihirapan ka" sabi ni Levin.

"Ayy ganern?! Maypa bitbit bitbit na ng gamit? Totoo nebe itey? HAHA! Ayy nakooo sige na .. ihatid mo na yang kaibigan ko! Ingatan mo ah! Di na muna ako sasabay. Bibigyan ko kayo ng moment ayieeeeee" ang lakas talaga mang asar nito ni Pammy sarap sabunutan!

"Promise iingatan ko si Kassie, pati puso niya" seryosong sagot niya kay Pammy. Owmyyyy!!!! Enebeeee kenekeleg eke!!!

Pagkahatid niya sa akin sa bahay nakita kami ni mama. Nagulat si mama bakit ako may dalang bulaklak.

"Hi po tita .. good evening po" bati niya kay mama.

"Good evening din Levin.. Kass kanino galing yang bulaklak na dala mo?" Di ako nakasagot agad kay mama di ko kasi alam kung paano ko sasabihin na nanliligaw na sa akin si Levin.

"Ahmm sa akin po tita. Tita, pwede ko po bang ligawan si Kassie?" Tanong ni Levin kay mama. Owmyyy ang lakas talaga ng loob niya mga friend! Nasabi niya yun kay mama .. konti nalang ang mga lalaking kaya magpaalam sa mga parents. Balik tayo sa kwento. So ayun nga nag paalam siya kay mama.

"Ayos lang naman sa akin, ewan ko lang kay Kassie kung gusto niya magpaligaw. Pero ito ang tatandaan niyo ha.. bata pa kayo. Wag masyadong magmamadali" sagot ni mama kay Levin.

"Thank you po tita.. thank you po talaga" nakangiting pagpapasalamat kay mama kasi pinayagan siya na manligaw.

Ang perfect niya diba? Gwapo na, matalino, masayang kasama tapos ang bait bait pa! Nakoooo yung mga ganitong lalaki hindi na dapat pinapakawalan. Konti nalang sila. Kung ibabase sa animals endangered species na sila HAHAHAHA pwede bang sagutin ko na siya? Kasi baka maagaw at magbago pa ang isip nito eh hahahaha tama na landi kailangan kumalma 😂

Araw araw niya akong hatid sundo.. saan man ako magpunta. Yung tipong mag sasabi ako na aalis ako bigla siya mag sasabi na sasamahan niya ako. Delikado daw kasi na mag isa lang ako aalis. Lagi din niya ako pinupuntahan sa bahay lalo na pag alam niya na may exam or quiz kinabukasan. Irereview niya ako para maperfect ko yun. Ang SWEEEEEETTTTTTT niya!!

*Fast forward❤*

After 2 months ng pangliligaw November 17, 2011 7:45pm hahahaha tandang tanda ko pa pati oras! Naging kami na ni Levin!!!!!!! ❤❤❤❤❤ pusuan na natin yan!!!

"Girlfriend na kita Kassie??  Totoo ba ito?? Girlfriend na kita???"

"Oo Levin tayo na.. bakit parang di ka makapaniwala? hahaha!"

"Naiiyak ako hahaha .. I love you Kassie, I love you so much"

"I love you too Levin .. Wag mo kong papaiyakin ah! Lagot ka talaga kay mama hahahaha"

"Hala! Bat naman kita papaiyakin? Ang prinsesa hindi pinapaiyak. Inaalagaan at minamahal dapat ng prinsipe niya"

Ano ba Levin!!! Kinikilig ako eh! Tumigil ka nga HAHAHAHA! Tinawagan niya agad si Pammy.. pinaalam niya agad na kami na.

"Pammy!! Kami na ni Kassie! Sinagot na niya ako! Thank you Lord!!"

"Weh????? Kayo na? Bakit? Joke lang hahahahaha.. ingatan mo yang kaibigan ko ha! Pektusan kita sa lungs pag yan umiyak"

"Punta ka dito sa kanila, food trip tayo sagot ko.. bilisan mo ah!"

"Taray! Celebration ba ito dahil sinagot kana ng friend ko? Pwede ba ako maghatak ng isa ko pang friend? Kilala naman ni Kassie to! "

"Sure! Walang problema kahit ilan pa hakutin mo.."

Akala ko naman kung sinong isasama ni Pammy.. Si Joe pala yung kababata niya na kung grabe makatingin. Akala mo kung sino!

"Oii Kassie si Joe .. naaalala mo pa?"

Pagkakita ko kay Joe biglang bilis ng tibok ng puso ko. Di ko alam kung bakit.. dahil siguro nag iinit ang dugo ko at inis na inis ako dun sa lalaking yun.

"Ah oo naaalala ko pa siya. Siya yung kababata mk diba?"

"Yep yep! Siya nga yun. Levin si Joe nga pala kababata ko, Joe siya si Levin Jowa ni Kassie"

"Nice to meet you pare!" Sabi ni Levin

So ayun nga.. di medyo nasira gabi ko dahil nakita ko nanaman yung bwisit na lalaking yun! Ayy nakoo hayaan na natin siya! Basta naging masaya ako dahil kami na ni Levin.

Kinabukasan 6am nasa bahay na agad si Levin para sunduin ako. Mag breakfast daw kami. Araw araw niya yun ginagawa. Oh diba!! Ang sweet ng boyfriend ko. Tuwing break time pinupuntahan niya ako sa room. Sabay kaming kakain. Pag may quiz, nirereview niya din ako pag may time..

Tuwing gabi naman lagi silang nasa bahay ni Pammy kasama si Joe. Kung dati tatlo lang kami nina Pammy. Ngayon apat na dahil nasama si Joe. Mabait naman pala si Joe di lang talaga maganda yung unang pagkikita namin. Habang tumatagal gumagaan narin loob ko sa kanya.

Kinaumagahan nag text sa akin si Levin. (Ma ang tawag niya sa akin at Pa ang tawag ko sa kanya.)

"Good morning Ma, sorry di kita mapupuntahan ngayon para sabay tayo magbreakfast. May gagawin kasi ako eh sorry ah"

"Ok lang pa, Next time nalang tayo magbreakfast ng sabay. Wag mo kakalimutan kumain ah, bago mo gawin yan kumain ka muna."

"Yes ma, ikaw din ha kumain ka ng breakfast.. sunduin kita mamaya.. sabay nalang tayo pumasok. see you later I love you"

"I love you too"

Di kami sabay magbreakfast 🙁 pero ayos lang. May mga susunod pa naman na araw. Yan ang hirap pag sanay ka na sa mga ginagawa niya.

Road to ForeverWhere stories live. Discover now