Kinabukasan sa school dahil nga sa hindi maganda ang pakiramdam ko. Inatake nanaman ako ng sakit ko. Sakit ko kasi yung pag naiinitan ako or sobrang stress biglang maninigas ang kamay ko tapos mahihimatay. Natataranta mga classmate ko kasi namumutla na ako. Di nila alam kung anong dapat gawin pag inaatake ako. Nasa tapat ng room namin si Levin nung oras na inaatake ako. Tinawag siya ng classmate ko..
"Levin!!!! Si Kassie inaatake .. anong gagawin natin? Dalhin na muna natin siya sa clinic!"
"Sus! Kaya niya yan .. malaki na siya!" Sagot ni Levin sa classmate ko. Dun ako lalo napaisip na dapat nga sigurong iwan ko na itong lalaking ito. Wala man lang paki sa akin inaatake na girlfriend niya. Wala lang sa kaniya. Biglang dumating si Joe sa room hinahanap ako.
"Ahmm hi excuse me, nandiyan ba si Kassie?"
"Ayy nakooo kuya!!! Tamang tama ang dating mo nandun si Kassie inaatake ng sakit niya!"
"Nasaan siya??!"
"Nanduon po sa likod kuya"
Dali dali akong nilapitan ni Joe. Mukhang worried na worried siya sa akin. Buti pa siya may paki kahit friend ko lang. Nakakainis talaga si Levin. Dagdag siya sa listahan ng mga lalaking walang kwenta.
"Huy Kassie ano nangyayari sayo?! OK ka lang ba?! Halika dadalhin kita sa clinic. Di pa pala maganda pakiramdam mo pumasok ka na! Pasaway kang babae ka! Tara na dadalhin kita sa clinic. Relax lang ha?"
"Joe ayoko sa clinic .. lagi nalang akong nandiyan. Ginawa ko na atang tambayan yan. Magiging OK din ako mamaya"
"Hindi!!! Pupunta tayo ng clinic dun makakapag pahinga ka ng ayos o gusto mo ihatid nalang kita sa inyo?"
"OK nga lang a-ako"
"Ahmm Pre, paki bili naman si Kassie ng 2 bottled water. Ito pera oh.. salamat ah."
Kinikilig ako kay Joe, lalo tuloy nasikip dibdib ko eh.. grabe siya kung mag alaga, sobra kung mag alala. Ito yung lalaking hinahanap ko eh. Kaso di ako ang gusto niya.
"Huy Kassie, inumin mo itong tubig ha! Inumin mo para marelax ka kahit papaano. Sure ka ayaw mo pa umuwi?"
"Oo nga Joe dito lang ako."
"Sa clinic ka muna kaya para makapag pahinga ka ng ayos tapos pag OK kana dun ka nalang bumalik ng klase?"
