Chapter 6

58 3 2
                                        

"Kassie nasaan ka? Pupunta ako sa inyo nasa bahay ka ba?" Text ni Joe sa akin nung hapon..

"Oo nasa bahay ako ngayon. Sige punta ka na. Kasama mo ba si Pammy?"

"Hindi eh, sige text ko nalang siya na sumunod nalang diyan sa inyo" Himala, magpupunta si Joe sa amin ng hindi kasama si Pammy. Mahiyain kasi yan si Joe di yan nakakapunta mag isa sa amin. Kaya nagulat ako na pupunta siya sa amin ng siya lang. Malakas na loob, makapal na mukha hahahahahaha chareng lang.

"Oh Joe nandiyan ka na pala"

"Hindi wala pa, picture ko lang ito" pilosopo ang loko 😒

"Pumasok ka na! Baka sapakin pa kita diyan! Pilosopo!"

"Pikon naman masyado itong babaeng ito HAHAHAHAHA!"

"Anong mayroon at napadpad ka dito sa lugar ko?"

"Wala kasi akong kasama sa bahay, umalis sina mama. Naboboring ako dun kaya nagpunta nalang ako dito sa inyo"

"Ahh .. nasaan si Pammy?"

"Tinext ko si Pammy, di naman nag rereply. Baka mamaya pang gabi yun magpunta"

"Alis tayo Joe .. kain tayo sa labas .. libre mo ko ah"

"Kapal talaga nito oh! Sige sige tara na pero sa susunod ikaw na may sagot ah"

Kumain kami sa labas . Tinext namin si Pammy kaso di talaga nag rereply ano kaya nangyari dun sa babaeng yun.. kami lang tuloy ang magkasama kumain para kaming nagdidate hahaha kilig much! Chareng lang 😂

"Kassie, kamusta ka naman? Ok na ba puso mo?" Nagulat ako sa tanong niya sa dami ng pwedeng pag usapan yun pa. Pero OK naman na ako. 3 months narin naman na ang nakakalipas. Yung mga ganoong klase ng lalaki yung madaling kalimutan.

"Oo naman no! 3 months narin naman ang nakakalipas .. naghilom na yung puso kong sugatan HAHAHA taray ng salitaan diba? Pero seryoso OK na ako. Bakit mo natanong?"

"Ahmm wala naman .. ano ba gusto mo sa isang lalaki?" Nagbabalak ba manligaw ito? Nakakaloka ang mga tanong niya ah ..

Road to ForeverWhere stories live. Discover now