Chapter 8

51 3 2
                                    

Di ako maka get over sa narinig ko kagabi. Grabe yung babaeng yun walang preno ang bibig lahat sinasabi. Di man lang naisip na pwede akong mainis sa mga kwento niya. Di niya ba naisip na girlfriend ni Joe kausap niya? Naiinis talaga ako.

From: Joe❤

"Hi Yam good morning"

To: Joe❤
"Wag mo na ko sunduin mamayang uwian ako nalang uuwi mag isa"

From:Joe❤
"Huh bakit? Sunduin kita please?"

To:Joe❤
"Wag na ako nalang mag isa uuwi"

From:Joe❤
"Galit ka ba?"

To:Joe❤
"Hindi bakit ako magagalit?"

From:Joe❤
"May problema ba?"

To:Joe❤
"Wala"

From:Joe❤
"Uyy Yam, bakit parang wala ka sa mood makipag usap? Dahil ba ito kagabi dun sa kwento ni Angie? Yam pasensya kana sa kanya sadyang madaldal lang yun, makwento masiyado wala naman yun eh"

To:Joe❤
"Ah OK po"

From:Joe❤
"Uyy Yam naman eh, wag kang magalit please."

Di ko na siya nireplyan. Sobrang nainis talaga ako sa kanila nung girl na yun! Sana nandoon si Pammy para may kausap din ako kagabi.

"Oyyy Kassie! Balita ko pinakilala kana ni Joe kina tita ah!" Salubong sa akin ni Pammy.

"Ah oo pinakilala niya ako kahapon. Nasabi na pala ni Joe sayo"

"Hindi si Joe nagsabi sa akin. Si Angie."

"Ah kilala mo pala si Angie"

"Oo kilala ko yung babaeng maingay na yun HAHAHA"

"Close kayo?"

"Oo close kami, mabait yun maingay nga lang"

"Pammy pag pumunta si Joe mamaya sa bahay sama ka ah"

"Oo pupunta talaga ako, di na ko nakakatambay sa inyo"

"Sige asahan kita ah"

"Bakit? Namiss mo ko no?"

"Kapal mo girl hahahaha"

Buti nalang pupunta na si Pammy mamaya. Para si Pammy na ang kasama ni Joe pagpunta sa bahay. So kinagabihan nag expect ako na si Pammy ang kasama ni Joe pagpunta ng bahay. Yeah kasama niya si Pammy pero kasama din nila si Angie. Nakakapit nanaman sa braso ni Joe. Nakakagigil talaga itong babae na ito. Siguro this time hindi na ako maO.P kasi nandoon si Pammy may makakausap na ko.

Road to ForeverWhere stories live. Discover now