Tumagal ang relasyon namin ni Joe hanggang sa umabot kami ng isang taon. OK na OK kami wala kaming sumunod na naging problema sa isa't isa. Laging nag-papaalam tuwing may lakad, laging mag-kausap sa phone. Lagi namin ina-update ang isa't isa.
Pero nung mag 2nd year siya dun na ang sunod sunod na problemang dumating sa amin..
"Hi Yam! Pwede ba tayong lumabas? Medyo matagal narin kasi tayong di nakakalabas eh.. alam mo naman sobrang dami ginagawa pag college na. Pwede ka ba ngayon?"
"YES!!! Makakasama na ulit kita. I really missed you Yam"
"Sunduin kita. Mag ayos ka na"
Excited na excited ako sa lakad namin kasi namiss ko talaga siya. Tagal namin di nakapag kita kasi nga sobrang busy niya sa school work. Ganoon talaga kahirap ang college kaya naiintindihan ko din siya. Makakaranas ka pa nga minsan ng sleepless nights para lang matapos at umabot sa deadline yung projects mo.
Nagpunta kami ng Mall ni Joe para manuod ng sine at kumain. Masaya ako na nagkaroon kami ng time para makasama ang isa't isa.
Habang kumakain kami someone texted him. Agad agad niya dinampot yung phone niya na parang ayaw niya makita ko kung sino yung nagtext.
"Sino yan Yam?" Malumanay na pagtatanong ko
"Ahh.. si Liana .. classmate ko"
"Bakit daw?" Tanong ko ulit
"Nagtanong lang tungkol sa assignment namin"
"Ah OK" ayoko pagdudahan si Joe.. may tiwala ako sa kanya kaya di ko na sinundan ng isa pang tanong.
Habang pauwi kami, busy parin siya sa pakikipag text dun sa classmate niya. Nakakatampo lang .. kasi minsan nalang kayo magkita busy pa siya sa pakikipag text. Imbis na kami ang magkausap sa iba siya nakatutok. Haysssss
"Yam are you OK?"
"Oo bakit mo natanong?"
"Wala bigla ka kasing natahimik"
"Sinong di tatahimik? Sino kakausapin ko? E busy ka naman sa pakikipag text"
"Galit ka ba? Nakikipag text lang naman eh"
"Joe! Ngayon nalang tayo nagkita ulit. Ngayon nalang kita makakasama ulit dahil sobrang busy mo. Tapos ganito pa busy ka masyado diyan sa katext mo"
"Oo na sige na titigil ko na ito"
Sa sobrang inis ko.. di ko na sya pinansin hanggang sa makauwi kami. Sino ba naman kasi matutuwa sa ginawa niya? Kung ikaw ba? Dun nalang ulit kayo nagkita ganoon pa gagawin.. nakakainis di ba?