Chapter 9

13 1 2
                                        

Nagkaayos naman kami ni Joe agad. Pero sana masabihan niya na yung kaibigan niya na alamin kung hanggang saan lang siya. Di naman kasi tama yung ginawa niya at nagdudumaldal ng kung ano ano. Hayyy nakooo .. basta OK na kami.

Nagtext si Ronnie sa akin kinakamusta niya kami ni Joe kung OK na daw ba kami at kung OK narin ako. Sinabi ko sa kanya na OK na kami ni Joe. Di ko kinuwento kay Ronnie yung tungkol sa ginawa ni Angie kasi baka pag sinabi ko pa yun masuntok ni Ronnie si Joe sa sobrang inis. Si Ronnie kasi yung tipo ng lalaki na kapag inaway mo ang kaibigan niya lagot ka sa kanya. Kaya maswerte ako na may friend ako na tulad ni Ronnie.

After 6months

Graduation Day!!! Congrats kay Yam!! Mag college na siya.. ready na siya pero ako hindi pa ako ready na magkahiwalay na kami ng school. Hindi kaya masira relasyon namin? Di kaya siya makakita ng ibang babae dun?? Di kaya mawalan siya ng oras sa akin dahil madami na siyang gagawin? Masyado ata ako nagiisip.. tiwala lang! Di masisira ito!

Tinext ko si Joe para icongratulate

"Congrats Yam! Mag college kana!! Hoy! Behave ka sa school na papasukan mo ah, alam ko madaming magagandang babae dun.. pero ako lang dapat ang Yam mo"

"Ayyy nakooo nag isip ka naman agad. Yam punta ka dito sa bahay naghanda sina mama. Hinahanap ka din nila."

"Sige Yam, mamaya pupunta ako. Nagliligpit pa kasi ako dito sa bahay eh"

"Sige Yam intayin kita. Yam pasuyo naman, paki bili ako ng gamot.. nilalagnat kasi ako eh bayaran ko nalang sayo pagdating mo dito."

"Huh???? Nilalagnat ka?? Bakit anong nangyari? Naulanan ka ba? Inuubo or may sipon?"

"Huy! Nilalagnat lang ako. Pagod lang ito. Umayos ka nga. Don't worry OK?"

"Sige 30minutes nandiyan na ako"

Nagmamadali akong magligpit sa bahay .. ano ba kasi nangyari dun? Bakit biglang nilagnat? Kinabahan kasi mag college na? Hahaha

Buti nalang may gamot ako lagi sa bag para sa lagnat. Kasi madalas akong nilalagnat after ng exam. :D sobrang pagod ata ng utak kaya ako nilalagnat pagtapos ng exam

Dumating ako sa kanila, ang daming bisita.. nanduon mga friends at mga pinsan niya. Nakakahiyang pumasok pero paano ko naman ibibigay yung gamot kung di ako papasok alangan naman ibato ko nalang yung gamot sabay uwi. Bahala na nga. Makikilala ko na mga pinsan niya.

"Oh Kassie nandiyan ka na pala pasok ka anak. Nanduon si Joe" salubong sa akin ng mama ni Joe

Pagkalapit ko kay Joe kinapa ko agad siya kung may lagnat pa siya. Mainit pa siya pero hindi na nilalagnat

"Yam oh, ito na yung gamot mo."

"Lawrence tignan mo nga kung nilalagnat pa si Joe" utos ng mama ni Joe kay Lawrence

"Tita wala na po. Mainit siya pero hindi na nilalagnat"

"Ayyy sussss, si Kassie lang pala kailangan mo para mawala lagnat mo hahahaha" Pagbibiro ng mama ni Joe

Nahihiya ako kasi nakatingin sa akin mga pinsan ni Joe. Kinikilatis ata nila ako. Kinakabahan nanaman ako.

"Ate, Kuya .. si Kassie nga pala girlfriend ko.. Kassie sila ang mga pinsan ko si Ate Grace, Ate Love, Ate Michelle, Kuya Rod at Uno."

"Good afternoon po" bati ko sa kanila. Kinakabahan talaga ako sa mga tingin nila sa akin

"Ikaw pala yung bukang bibig nitong si Joe. Nice to meet you. Joe, sino yung kaninang babae nandito? Yung maiksi ang buhok" Pagbibiro ni Ate Grace sa kaniya.

"Hoy Ate! Wag ka nga gumawa ng kwento baka maniwala yan. Baka mag away pa kami" Sagot ni Joe kay Ate Grace.

Natapos ang araw na yun ng puno ng biruan at asaran. Mababait naman pala mga pinsan niya. Sa katunayan nga niyaya nila ako pumunta sa bahay nila.

Ang saya nung araw na iyan. Pero di parin maalis sa isip ko na sa ibang school na siya papasok. Wala na mag susundo sa akin. Kasi panigurado iba na schedule niya. Paano kung makakita siya ng iba dun? Parang ang hirap mapalayo sa kaniya. Ang hirap din pala pag nasanay kang nasa tabi mo yung isang tao. Yung tipong nasanay ka na araw araw mo siyang kasama at kausap. Magbabago yun kasi nga busy na siya. Sulitin ko nalang yung bakasyon na magkasama kami. Kaso hindi parin pala kami magiging magkasama lagi. Kasi busy siya sa paghahanap ng school na papasukan niya at syempre may mga schedule siya for entrance exam.

Hayyyyyyyyy... ngayon palang busy na siya? Paano pa pag nagsimula na ang klase? Lalo siguro siya nawalan ng time sa akin. Pero syempre kailangan niya yun i-priority. Ayy nako! Kassie naman! Imbis na suportahan mo yung boyfriend mo. Ganyan ka mag-isip.
Pumasa si Joe sa lahat ng school kung saan siya nag try mag-entrance exam kaya di siya nahirapan maghanap kung saan siya papasok. Mas nahirapan pa siya mamili kung saan siya papasok kasi pasado siya sa lahat. Pero ang pinili ni Joe ay yung malapit sa office ng papa niya para pag vacant nya dun siya mag-stay muna.

"Hi YAM! Malapit na pasukan di man lang kita masyado napuntahan dito sa inyo. Sorry ah.. naging busy lang sa entrance exam. Nag ayos din kasi ako ng requirements. Bawi ako sayo ngayon. Tara kain tayo sa labas?"

Nakakakilig lang isipin na may mga lalaki parin pala talagang nag-eeffort makabawi lang sayo. Swerte ako at mayroon akong boyfriend na ganuon. Sa panahon kasi ngayon kaunti nalang yung lalaking kaya mag-effort. Kumbaga sa animals endangered species na sila HAHAHA!

- - - - - -
Author's Note:
     Hi mga beshyy! Sarey dahil ngayern lang ulit ako nakapag update..  nakalimutan ko kasi password ng account ko eh hahaha sarreh na. Hahahaha

PS. Sana basahin nyo pa rin.. 😂

Road to ForeverWhere stories live. Discover now