Habang lumilipas ang ilang buwan, unti unti na akong nahuhulog ng tuluyan kay Levin. Sino bang hindi mahuhulog sa kanya? Isa nga siyang lalaking matalino, mabait, hindi boring kasama, matangkad, maputi at higit sa lahat GWAPO!!! Mapapa-sh*tttt!! ka nalang talaga. Lagi kaming magkasama pagpasok ng school, kakain ng lunch, pati pag uwi magkasabay kami. May gusto na nga talaga ko sa kanya 😊 kaso ang tanong siya ba may gusto din sa akin? 💔 eng sheket!
Kesa isipin ko pa to, magrereview nalang ako, may exam pa ako mamaya.. masyado ko na siyang iniisip, ako ba iniisip nya?💔
*tok*tok*tok
"Ano ba yan! 6am palang may nakatok na. Ang aga aga nambubulabog na!" Pagbukas ko ng pinto si Levin pala. Ang aga naman masyado nito magsundo 8am pa klase namin, ang lapit lapit lang naman ng school.
"Oh Lev ikaw pala, bakit ang aga mo?"
"Ahmmm.. aayain sana kita mag-breakfast. Ano kain tayo?"
Nakangiting pagtatanong nya. Ako naman itong tagong kinikilig. Ayos lang pala kahit bulabugin ako ng maaga. Basta laging si Levin HAHAHA! Landi ko! Pero siyempre pakipot parin tayo konti.
"Bakit di ka nalang sa inyo kumain? Maaga pa naman. Gagastos ka pa niyan." Pakipot kong pag sagot
"Wala kasi akong kasabay sa bahay kumain eh, tsaka gusto ko sana sabay na tayo. Di ba ko naka-istorbo?"
Ikaw istorbo? Nakooo hindi ah kahit araw araw ka pa magpunta tapos aayain ako, WALANG PROBLEMA basta ikaw 😊 "Hindi naman, ikaw pa? Malakas ka sa akin eh. So ano tara na? Alis na tayo?"
"Sige, tara na .. akin na gamit mo ako na mag-dadala" OWMYYYY!! Bakit siya ganito ngayon? Parang manliligaw ko siya. Ayy nakoo Kassie assumera ka.
Ang sarap kumain pag crush mo yung kasabay mo. Kahit di kana kumain yung tipong naka titig ka nalang sa kanya busog kana. Bigla niya akong tinanong. Nagulat ako na kinilig.
"Kassie, tanong ko lang sana, di ba nagkaboyfriend kana?"
"Ah oo, si Phil naaalala mo? Yung lalaking iniyakan ko ng bongga dahil akala ko may forever kami"
"Hahahah! Pero naka move on ka naman na?"
"Oo naman no! Isang taon narin ang nakalipas. Ok na ko move on na ko sa kanya"
"So ready kana pumasok sa bagong relasyon? Ano bang gusto mo sa isang lalaki?"
Kinikilig ako!!! Bakit siya nagtatanong ng ganyan.
"Ahmmm .. gusto ko sa lalaki? Gusto ko kasi yung mabait, matalino, di boring kasama siyempre gusto ko sweet. Parang ikaw" OWMYYYY!!! TANGA TANGA!!! bakit ko sinabi yun!!!
