August's POV
Nasa sementeryo na kami ng makita ko na si Atty.Lia
"Here are the papers na magpapatunay na doon sila bumili ng lupa and yung mga times na hindi na nakakabayad ang pamilya mo."
Kinuha ko yun at tinignan
"Bumalik kami sa bahay niyo nung isang araw at nakita namin to."
Isang lumang diary na may pangalan ni anton
"Diary ni Anton"
Punit punit na ang ibang mga pahina nito
Niyakap ko yun at umiyak ako
"Nabasa namin diyan na araw araw nakikiusap ang nanay at tatay mo na wag na muna n
Sila paalisin pero ayaw pumayag nila mrs. Dawn Sandoval."
"Nakasulat din diyan na pinagtatangkaan ang buhay ninyo pero hindi nila sinabi sayo kasi ayaw ka nilang mag alala"
Napaupo ako sa may puntod ng mga magulang ako at napaiyak
"Mga walang konsensya. "
Dapat din silang mamatay!
Hindi ako papayag na hindi sila mag dusa
"Gusto ko bigyan sila ng warrant of arrest. Malakas ang ebidensya natin atty. Gusto ko silang makulong at pahirapan sa kulungan!"
"Bukod dito August, eh may nakakuha ng video ng pagsunog nila sa bahay niyo. Nagtago ang taong iyon at hinanap namin ngunit sa kasamaang palad ay patay na. Nakuha namin ang memory card sa kanyang pamangkin at eto pinakita samin"
Pinanuod ko ang video at ayun nakita ko ang lolo at mom ni Gian na binayaran ang nagpasunog sa bahay namin at umalis na.
Mga hayop!!!
Humagulgol ako sa pag iyak at niyakap ako ni fevy
"Hindi ako papayag na hindi sila magdusa! "
Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa umalis na si atty.
Bumalik kami sa bahay ko at tinago ko sa kwarto ko ang mga ebidensya
"Oh August? Ano bang nangyayare sayo at parang magang maga ang mata mo?" Tanong ni tita habang pinaghahandaan kami ng pagkain sa kusina
"Broken hearted eh" sabi ni Andrew
Tumulo ulit ang luha ko
"Oh kitams!" Sabi ni andrew
"Maam,pinapabigay po ni Sir Gian."
Nakita ko may bulaklak tapos may box ng earrings and may letter na nakalagay sa loob ng box
" I won't give up.."
And then biglang tumunog phone ko
Calling Mr.PMS
"Umm yaya palagay na muna nito sa sala." Sabi ko at inend yung call
"August.. ano ba kasi ang problema.." sabi ni emily
Huminga ako ng malalim
"Tita, hindi ko na alam ang gagawin ko.."
"Ano ba kasi yun?" Sabi ni Andrew
"Tita, pamilya niya.. pamilya ni Gian ang nagpasunog ng bahay at nagpapatay sa pamilya ko. "
Gulat sila at kwinento ni fevy lahat ng nalaman namin
Napaiyak din sila
"Nako pano na yan.."
"Magdudusa sila. Ipapakulong ko sila."
