New classmate

630 18 0
                                    

Kumpleto na kami lahat sa klase yung teacher nalang namin ang inaantay namin , as usual naka titig na naman ako kay Edward ang gwapo niya talaga sa uniform namin ang linis niyang tingnan , hindi talaga kumpleto yung araw ko pag hindi ko nakikita yung kagwapuhan niya


"Tulo na naman laway mo Kisses oh"

"Tse ! nga pala kamusta kayo ni Heaven"

"ayun continue pa din ang tutor kaso kisses mukhang mahihirapan tayo e katulad mo din yun si Heaven e Obsess kay Edward"

"Hay naku Yong gamitan mo kasi ng hokage moves mo"

Hindi na nakasagot si Yong sa sinabi ko dahil dumating na yung teacher namin


"Goodmorning class may new classmate kayo ngayon na late siya ng enrollment kaya ngayon lang siya nakapasok"

Pumasok yung matangakad at payat na babae

"Hi new classmate Im Mary Dale Entrata but you can call me Maymay galing pa ko province at naisipan ng family ko na lumipat dito sa manila, sana magustuhan niyo ko"

"okey Maymay umupo kana lang sa katabing chair ni Kisses"

"okey po"

"Hi ang ganda mo naman ang lambot ng kutis at puti mo ang tangos din ng ilong mo pahawak nga kung totoo"

"Hahaha totoo yan malamang saka talagang maganda ako beauty queen kaya ako hihi"

"ay humble ka din char heheh"

Ang daldal niya grabe pagkaupo niya bigla niya akong dinaldal at dahil mukhang mabait naman siya sinama na namin siya ni Yong sa canteen

"Hi Maymay hindi pa ko nakakapag pakilala ako pala si Yong bestfriend ni Kisses"

"Hi Yong ang gwapo mo din hihi"

"Salamat sa inyong dalawa ha ! dahil sa inyo may kaibigan na ko agad"

Nakakatuwa yung kadaldalan ni Maymay akala mo matagal mo ng kakilala panay kwento niya tungkol sa probinsya nila, habang nagkwento siya biglang pumasok si Edward masaya na sana e kaso kasama na naman niya si Heaven kaya nawala yung ngiti ko

"Diba classmate din natin yan dalawa"

"Oo si Edward yan at Heaven"

"Sila ba ?"

"Wish kong hindi dahil ako lang ang nararapat kay Edward"

"May gusto ka kay Edward?"

"Hay naku Maymay hindi lang gusto obsess pa yan kay Edward tsk"

"ganun bakit parang malungkot ka Yong"

"Hindi ahhh naawa lang ako sa babaeng yan panay papansin hindi naman mapansin" defensive na sagot ni Yong

Hindi ko na napansin kung ano pinag uusapan nila nag lalaway na naman kasi ako sa kagwapuhan ni Edward, Hindi na talaga ako magsasawa hihi bakit kasi ang gwapo niya


After breaktime pumunta na kami sa classroom pinahiram ko lahat kay Maymay yung mga notes namin na wala pa siya mukhang matalino naman siya kaya hindi na siya mahihirapan mag adjust

Uwian na nag paalam na ko kina Yong at Maymay inabangan ko ulit si Edward sa may parking lot mukha na nga kong stalker e kasi kung nasan si Edward nandun din ako e , nakita ko siya naglalakad kasama si Heaven mukhang nag tatalo silang dalawa lumapit ako ng unti para marinig ko yung pinag uusapan nila pero hindi ko maintindihan

"sige na kasi Edward ipapakilala na kitang Bf ko sa magulang ko"pasigaw na sabi ni Heaven

hindi ko narinig yung sagot ni Edward pero mukhang masaya naman si Heaven sa sagot niya habang nag mamasid sa kanila nakita kong napatingen si Heaven sakin at hindi ko inaasahan yung ginawa niya , hinalikan niya sa pisngi si Edward , hindi ko alam kung saan ako mas magugulat yung malaman na mukhang sila na or sa hinalikan ni Heaven si Edward, hindi ko na nakita yung reaksyon ni Edward dahil nakatalikod siya , nang palingon na si Edward nag tago ako sa waiting shed pinagmasdan ko nalang silang dalawa na papunta sa kotse ni Edward mukhang ihahatid na naman niya si Heaven

Habang umaalis ako sa waiting shed na pinagtaguan ko hindi ko naiwasan na may pumatak na luha sa pisngi ko

"Masakit ba kisses na makitang masaya sila na mukhang sila na talaga habang ikaw hanggang tingin lang talo naba talaga ako ?" tanong ko sa sarili ko

"Lagi kana lang umiiyak kisses kailan kaba titigil "

"Yong !"

Nagulat ako na nandito pa si Yong akala ko umuwi na siya , yumakap ako sa kanya at doon ko binuhos yung sakit na ginawa ni nila

"Tama na Kisses wag nalang siya madami pa naman jan diba, malay mo nasa paligid mo lang yung taong magmamahal sayo ng sobra yung hindi ka paiiyakin

hindi na ko sumagot umiyak na lang ako sa dibdib niya hindi ko na inisip kung may makakita samin basta ang gusto ko lang mailabas yung sama ng loob ko


*****

Hi guys nagustuhan niyo ba ang new found friend at the same time classmate pa ni Kisses ! sino mga Kissmay jan ????? hehehe

Denial King Meets Beauty QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon