Ms. tutor

520 12 2
                                    

Marco POV

After akong ipakilala sa mga classmate ko naupo ako banda sa gilid nila Kisses para makita ko yung ginagawa nila ni Edward , hindi ko maiwasan mainis dahil halata naman sa mukha niya na masaya siyang kasama yung lalaki na yun , mas gwapo naman ako ng ilang paligo 


After uwian inabangan ko si Kisses sa may waiting shed na malapit sa parking lot alam ko kasi madalas siya mag hintay dun para sa sundo niya , nakita ko na naman na magkasama sila tsss hindi ba talaga mapag hihiwalay to dalawa na to nag tago nalang muna ako sa gilid ng waiting shed para hindi nila ako makita 


"Edward hindi kapa ba talaga uuwi"

"May practice pa ko e alam mo namna next week na yung intrams natin , e ikaw wala kabang practice"

"Wala absent si Ms. Sandra na mag train samin"

"Sige Kisses una na ko ha ! ingat ka itext mo ko pagkauwi mo"


Umalis na si Edward at ito naman si Kisses mukhang malungkot Tssss wag niya sabihen sakin na Patay na patay siya dun mag wawala talaga ako 


Umupo siya sa waiting shed at ginulat ko siya 

"Bulaga" sabay patulak sa likod niya

"Ano ba !" sabi niya 

"Ang sungit mo naman"

"Paki mo"

"Kasi gwapo ako"

"Consistent talaga pagiging mayabang tsss" bulong niya

"Ano sabi mo Ms. Tutor"

"Pwede ba bawiin mo yun kay Ms. Reyes madami akong ginagawa candidate pa ko for Ms. Intrams , iba nalang guluhin mo"

"Ayoko gusto ko ikaw lang kahit naman pangit ka mukha ka naman may utak"

"Ano ! ako pangit grabi ka nakakailan lait kana ha "

"See you on Saturday 10am ayoko ng late" sabi ko sabay alis , nakita ko yung inis sa mukha niya pero nakakatuwa talaga siyang inisin lalo siyang gumaganda 


"Nag uumpisa palang ako Kisses" 






Kisses POV

Napaka yabang talaga ng lalaki na yun ! tskkkkkkkkkkkkk ang sarap tadjakan hays kala mo kung sinong gwapo , di hamak naman na mas gwapo yung Edward ko 

Tiningnan ko siya habang paalis pa kaway kaway pang nalalaman asar talaga ayoko maging tutor niya , hahatiin niya pa yung oras ko para kay Edward nakakainis talaga 


"Arghhhhhhhhhhhhhhhhhhhh" iniisip ko nalang plus grade din yun tama yun nalang kesa inisin ko yung sarili ko kakaisip 


D ko namalayan na dumating na yung driver namin at nakauwi na ko sa bahay natext ko na din si Edward na nakauwi na ko pero hindi pa din siya makapag reply siguro busy  


Bigla kong naalala si Yong at Heaven hindi pa din sila pumapasok hanggang ngayon , si Yong daw nasa province dahil may sakit yung Nanay niya pero si Heaven wala akong balita 

Habang iniisip sila may nag text na unknown number at naka lagay yung address sino naman kaya to ano gusto ng textmate wala akong hilig jan dahil walang magawa naisipan kong magreply


To: Unknown no.

Who you ? 

From: Unknown no.

Gwapo mong classmate :) natext ko na yung address ko ayoko ng late ha lagot ka sakin pag nalate ka

To: Unknown no.

Tse! napaka yabang mo Goodnight !

From: Unknown no.

Goodnight Ms. Tutor  :*


Hindi ko na tinanung kung saan niya nakuha yung number ko dahil ayoko na humaba pa yung usapan dahil alam ko ako lang maiinis pang asar na lalaki yun 


 Arghhhhhh Mukhang papahirapan niya ko sa sabado wag naman sana ayoko ng Stress ngayon ! naku pag talaga nangaway siya d ko siya aatrasan kahit beauty Queen ako masakit ako manuntok 



Marco POV

Habang nakahiga sa kama hindi ko maiwasan maisip yung mukha niyang umuusok ang ilong sa inis 


Goodnight Kisses










*******************

Moment muna ng Kissmarc ha ! wag maiinis :)))) 

Denial King Meets Beauty QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon