Marco Gallo

671 23 3
                                    

Marco Gallo POV


Nakamasid ako sa dalawang taong masaya habang nag sasayaw sa gitna ng bulwagan ng bahay ng Delavin, makikita mo din yung tuwa ng mga bisitang nasa paligid, nahuli na naman ako kung sana naaalala mo lang ako hindi ako mahihirapan ng ganito pero sa ngayon masaya ako na makita yung ngiti sa iyong mukha kahit hindi ako yung dahilan. Hanggang ngayon hindi pa din kita malimutan , hanggang ngayon umaasa pa din ako na mababalik yung dati yung ako lang at walang kahati pero hindi na bilang isang kaibigan ang gusto ko iba na.


8yrs ago magkapit bahay ang pamilya namin sa bayan sa Bicol , matalik na magkaibigan ang mga magulang namin ni Kisses, inaanak ako ng Papa niya lagi kami magkasama at hindi mapaghiwalay kung hindi lang nagyari yung aksidente na yun siguro hanggang ngayon kami ang magkasama


"Marco paglaki natin gusto ko ako lang makakasama mo habang buhay"

"oo naman Princess"

"Promise"

"Super promise"


Bata palang kami alam na ng puso ko na si Kisses na yung gusto ko makasama habang buhay , sana dumating yung araw na maalala na niya din ako


Nakita ko yung saya sa mukha ni Kisses habang nag sasayaw sila , dapat ako yun nasa lugar ng kung sino man lalaki na yun, ako dapat yung nasa tabi niya hindi yung lalaki na yun , hindi ko na kinaya kaya umalis nalang ako ng bahay na hindi nag papakita sa mga Delavin


"Balang araw kukunin din kita maalala mo man ako or hindi magiging akin ka"


Someone POV

Kasayaw ko ngayon yung isa sa pinaka magandang babae na nakita ko , ang saya ko buti nalang nag bago yung isip ng Papa niya , tama kayo ako to si Edward ang secret stalker ni Kisses ang matagal ng nagmamahal sa makulit, maarte na Beauty Queen








Before Debut

Nandito lang ako sa labas ng bahay nila , nandito ako sa kotse hindi ako makapasok dahil sa body guard ng mga Delavin bilin kasi ng Padre de pamilya na wag ako papasukin , gusto ko na makita yung mahal ko , kamusta na kaya siya panigurado siya ang pinaka magandang babae ngayon , sana talaga payagan na ko ng papa niya kahit makita ko man lang si Kisses , habang nag hihintay napansin ko na tumunog yung cp ko ibig sabihin may nag text

To: 09*********

Pumunta ka na dito

From: 09*********

Okey

Naglalakad na ko papunta gate nakita ko yung papa niya dun na naka abang

"Pag bibigyan kita ngayon araw na to dahil hindi tumitigil yung anak ko sa pag iyak"

"Salamat sir"

"Ngayon lang to Edward"


Hindi ko na siya pinansin , ang daming tao at ang ganda ng paligid sa itsura palang alam ko matutuwa yung Reyna ko , pumasok ako sa kwarto kung nasan si Kisses ngayon , sobrang ganda niya sa Pink Gown niya kaso mukhang galing siya sa pag iyak

Nakita ko na napalingon siya sakin pag pasok ko sa pinto at bigla siyang tumakbo at niyakap ako ng napaka higpit

"akala ko hindi kana darating huhu"

"Wag ka ng umiyak papanget ka niyan ang ganda ganda mo ngayon oh"

"Talaga maganda ako"

"Oo naman" habang pinapahid ang luha niya

Nakita ko yung kasiyahan sa mukha niya at nag papasalamat talaga ako ang dahilan ng mga ngiti niya ngayon


"Kisses halika na dito iretouch kana mag uumpisa na ang program" sabi ng mommy niya

Lumapit yung mommy niya sakin at sabi "Salamat Edward at nakarating ka"

"My Pleasure ma'am"


After retouch pumunta na kami sa bulwagan pinakilala na si Kisses at kasama ko siya bilang escort niyang naka alalay sa kanya

"ang Gwapo mo Edward sa suit mo , salamat at nakarating ka hindi mo alam kung gaano ako kasaya"

Nandito kami ngayon sa gitna bilang last dance niya, nakatitig lang ako sa mukha niya gusto ko tandaan yung gabi ngayon na kasama ko yung pinaka mamahal ko

"Edward after ba nito iiwas kapa din sakin, ayaw mo ba talag sakin" bulong ni Kisses

"Not anymore baby"

"Ha!" niyakap ko nalang siya ng napaka higpit , hindi pansin yung papa niyang masama ang tingin samin


                  

Bahala na kung magalit siya pero hindi ko na kaya itago yung nararamdaman ko kay Kisses this time ipaglalaban ko na yung pagmamahal ko ! hindi na ko matatakot mas nakakatakot na hayaan kong mawala siya sakin na hindi ako lumalaban 




















******

Patikim sa bagong character abangan pa kung ano siya sa buhay ni Kisses :)

Denial King Meets Beauty QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon