Stalker

600 23 1
                                    

Isang buwan nalang debut ko na at siyempre kahit pumapasok ako after school naman kasama ako nila mommy at daddy sa preparation ng debut ko, nasukat ko na din yung mga gown ko , nag practice na din para sa debut ko kaso ito naman si Edward hindi sumisipot sa practice nakakaasar talaga


Sinusukat ko ngayon yung last Gown ko dito samin hinatid kasi ng designer yung gown ko at sobrang ganda as in

"Wow iha bagay talaga sayo lalo lumutang yung kagandahan mo" sabi ng designer

"Siyempre maganda talaga yan anak ko mana sakin e"sabi ni Mommy

Natawa nalang kaming lahat sa hirit ni Mommy

"Yung escort mo nga pala"

"Hmmmmm nasa kanila po"

"Bf mo ba un iha bakit hindi ka man lang sinusuportahan dito"

"Hindi ko pa po siya BF saka okey lang po nandito naman si Mommy"


Pero ang totoo niyan hindi okey gusto ko talaga na nandito siya na nararamadaman ko yung presence niya kaso sa ugali ni Edward kahit nga sa practice hindi siya pumupunta , ayoko nalang malungkot ang mahalaga naman diba siya yung escort ko kaya okey lang kung wala siya ngayon basta ba sa debut ko kasama ko siya














Someone POV


Gusto ko siya pero hindi ko pa pwede aminin yung feelings ko kaya kuntento nalang ako na istalk siya , hiindi ako nahihiya na aminin na stalker niya sa lahat ng ginagawa niya alam ko lahat kung saan siya pupunta at kung sino mga kasama niya, nandito ako sa labas ng bahay nila hinihintay na pumunta siya sa veranda at magpahangin , ito minsan yung mga routine ko pag hindi ko siya kasama yung pag masdan siya sa malayo


Ayon lumabas na siya sa veranda nila kaso mukhang malungkot na naman ang Reyna ko, nasasaktan talaga ako pag ganto nalulungkot siya pero sa ngayon wala pa akong magagawa


Ang ganda talaga niya kahit malungkot siya ngayon, sa lahat ng beauty contest na sinalihan niya hindi ko nakakalimutang pumunta gusto ko kasi makita yung mga ngiti sa mukha niya





"Hayan mo Mahal ko darating din yung araw na maamin ko yung nararamdaman ko sayo at sisiguraduhin kong wala ng hahadlang satin, sana lang hindi ka mainip at maantay mo pa ko" bulong ko sa sarili ko








Kisses POV

Nandito ako sa veranda ng kwarto ko nag iisip isip ako si Edward kasi parang iniiwasan na naman ako pero pumayag naman siya maging escort ko diba pero bakit ganun na naman siya sakin hayss ang gulo talaga niya hindi ko na maintindihan yung tumatakbo sa isip niya


Habang nag papahangin ako may napansin na naman akong lalaking nakatayo , nakaitim siya at naka cap ulit


"Parang siya din yung nakita ko sa beauty contest na last na sinalihan ko"

Kinabahan ako stalker ko kaya yun , hala baka may gawin siyang masama sakin , dalawang beses ko na siyang nahuhuling nakamasid sakin

"Sabihen ko kaya kina mommy"

Pero wag na baka mag alala lang sila, hanggat hindi pa ko sinasaktan or may ginagawang masama sakin hindi muna ko mag sasalita

Naglakad ako papunta gate gusto ko makita yung itsura niya pero nagulat nalang ako ng umalis siya , nakahinga na ko ng maluwag pero siguro mali din ako malay natin magkaibang tao yun at to isa may inaabangan lang, hays bahala na ! Sana lang mali yung iniisip ko na stalker ko yun


"maka balik na nga sa bahay"








Someone POV

Nagulat ako ng nakita niya ko at umalis sa kinakatayuan niya para ata puntahan ako pero bago niya pa ko makita kahit naka cap ako umalis na ko, mahirap na mahuli ako masisira ang mga plano ko para samin



"Hindi muna ko pwede magpakita sayo Reyna ko pero darating din yung araw na makikilala mo ko" sabi ko na nakatingin sa kanya sa malayo

Pumunta na din siya sa gate nila pero hindi ko inaasahan yung maririnig ko sa likod ko habang nakatingin sa mahal ko


"Ano ginagawa mo dito!"


************************

Guys mamaya na ang eviction night , nakaboto naba kayo ????

Just vote our Queen please

BB Kisses send to 2366

1vote per sim per day

Denial King Meets Beauty QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon