Napaniginipan ko na hinalikan daw ako ni Edward habang natutulog ang ambisyosa ko talaga ako na nag nakaw ng kiss tapos gusto ko ako din nakawan niya haha
Alasais na maaga ako nagising dahil ihahatid pa ko ni Edward samin, bumaba na ko papunta sa sala nila mukhang ako palang yung gising, pumunta ako sa kusina nila at nakita ko na nagluluto siya
"Goodmorning Edward" napalingon siya sakin ang gwapo talaga niya umagang umaga buo na naman yung araw ko
"Maupo kana jan malapit na to maluto"
Naupo na ko at nakapalumbaba habang nakatingin sa kanya, kahit nakatalikod ang gwapo niya pa din
Hinanda na niya yung mga niluto niya Egg,hotdog,bacon,rice and juice
Habang kumakain kami nag open ako ng topic para naman makausap ko siya
"Edward tingin mo may pasok kaya"
"Wala napanuod ko kanina sa TV"
"hmmmmmmm marunong ka pala magluto si manang ?"
"Pinatulog ko muna masama yung pakiramdam niya e "
"Ihahatid kita mamaya after natin kumain habang hindi pa ganun kalakas yung ulan dahil mamayang tanghali daw uulan na naman ng malakas"
"okey"
Habang kumakain tinitingnan ko pa din siya , kahit anong gawin ni Edward ang gwapo pa din niya sa mata ko iba talaga pag inlove
Tapos na kami kumain nag prepare na kami para umuwi samin, paalis na kami ng bumaba yung magulang ni Edward para ata kumain
"Alis na kayo ?"tanong ng mama ni Edward
"opo tita salamat po pala Tita at tito sa pagpapatuloy niyo sakin"
"Wala yun iha , nga pala kumain kanaba?"tanong ng papa ni Edward
"Opo tito naghanda at luto si Edward"
"Talaga ? first time to may pinagluto si Edward alam ko marunong siya pero sabi niya yung mga importante lang sa buhay niya yung paglulutuan niya"
nagulat ako sa sinabi ng mama ni Edward nakakakilig naman kung totoo yun
"May sakit kasi si Manang kaya wala akong choice kundi magluto"
Okey na sana e basag trip na naman siya sa pangarap ko tsk
""Sige na mom and dad mauna na kami ni Kisses baka maabutan pa kami ng malakas na ulan"
"oh sige mag ingat kayo take care of Kisses , hinay hinay sa pag drive"
"Opo"
Pumunta na kami sa kotse niya buti nalang hindi ganun kalakas yung ulan kaya nakarating kami agad sa bahay namin sayang ang bilis naman ng oras hindi ko na agad siya makikita tapos wala pang pasok ngayon hays
"Salamat talaga Edward ha !"
"okey"
"Gusto mo ba pumasok muna sa bahay para makita mo sila mommy for sure gising na yun"
"Wag na"
"sige kaw bahala" ang sungit talaga niya pero kahit ganun thankful pa din ako , isa to sa hindi ko makakalimutang araw kasi nakasama ko si edward sa iisang bubong parang mag asawa lang ang peg hihi
Bumaba na ako ng kotse niya at nakita ko sila mommy at daddy sa may sala mukhang hinihintay ako
"Goodmorning mom and dad"
"Hi anak buti naman nakauwi kana"sabay yakap ni mommy
"San ka pala tumuloy" tanong ni Daddy
"Kina Edward"
"Ha!"sabay na tanong nila
"wow chorus"
Nakita sa mata nila yung gulat at parang hindi nila nagustuhan bakit naman kaya e alam naman nila na vocal ako sa pagka gusto ko kay Edward hmp.
"San ka natulog" tanong ni Dad
"Sa guest room po ang bait nga ng magulang ni edward e"
"Hmmmm kumain kanaba?"
"opo sige na mom and dad punta muna ako kwarto bitin pa ko sa tulog e""
"Mabuti pa nga tutal wala naman kayong pasok ngayon"
Umakyat na ko sa kwarto ko chinarge ko muna yung cp ko dahil nakalimutan ko maki charge kina Edward after 2 hrs nakatulog ako pagka gising ko sinilip ko yung cp ko na nadrained, okey na siya tiningnan ko na yung facebook ko para ichat si Edward
"ang swerte ko naman online siya" ito na yung umpisa ng pagpapasok ko sa buhay niya, mukhang okey na ko sa kanya, sana talaga
To Edward
Hi Edward :) Salamat sa lahat kahapon pati kanina ang sarap ng luto mo :*
From Edward
seen
Sana naman pansinin niya pero naghintay lang ako, after 30minutes mukhang seen na talaga hays kala ko naman nagbago na siya , akala ko magiging close na kami :( wala pa din pala , ako lang pala yung nag assume
"Assumera ng taon ka talaga kisses" hays
*********************
Don't forget to vote Kisses
BB Kisses send to 2366
1vote per sim per day
BINABASA MO ANG
Denial King Meets Beauty Queen
RomanceThis story is all about Kisses and Edward (KissWard)