Congrats to all Team Kisses, tayo ang Highest votes at na kay Kisses na yung 2nd sun .. worth it ang text votes natin naka ilang boto din ako hihi :)))) Sana hindi kayo mag sawa na suportahan si Kisses at Edward may Big night pa kaya mahabang pahinga din para satin ^^
Kisses POV
Simula nun Debut ko hindi na talaga mawala yung ngiti sa labi ko , madalas ko ng kasama si Edward sa school katabi ko na din siya sa upuan , sabay kami kumain pag break madalas kami mag tawagan sa phone, chat at text kinikilala talaga namin yung isat isa .. pero minsan nagugulat pa din ako kasi madami din siyang alam tungkol sakin , ako hindi na bago kasi stalker niya ko pero sa kanya nagugulat pa din ako
Nandito kami saa Canteen ngayon dahil breaktime inaantay ko si Edward dahil siya yung nag order ng kakainin namin
Binaba na niya sa lamesa yung order niyang burger, chips , spaghetti na para sakin, palabok na favorite niya at mogu mogu na favorite ko at orange juice naman sa kanya
"Dami mo naman Order"
"Para mabusog ka tingnan mo oh ang payat payat mo na"
"Payat ka jan hindi kaya sexy ako nuh"
"ahhh basta ayoko ng ginugutom mo yung sarili mo at pagkasama mo ko gusto ko madami kang kakainin"
"Opo Daddy"mahinang sabi at tawa ko
"Tssss"
Minsan nakakagulat pa din yung bagong Edward ngayon mas vocal siya at concern siya sakin ramdam ko yung care niya mas lalo ko siyang minamahal at mas gusto ko yung bagong Edward ngayon
"Edward may balita ka ba kay Heaven hindi siya pumapasok"
"Wala"
"Kahit si Yong din tianatawagan ko naman hindi naman niya sinasagot"
"Wag muna sila isipin gusto ko pag kasama mo ko ako lang nasa isip mo"
Namula ako sa sinabi niya heheh
"after class may practice kami hindi kita maihahatid"
"Hmmm late din ako makakauwi ako kasi sinali nila sa Ms. Intrams e may practice kami"
"Ganun ba magiging busy pala tayo this week"
"Text text or tawag nalang ha!"
"opo mahal na reyna"
After ng Practice ng Ms. Intrams nandito ako ngayon sa court maaga kasi kami natapos kaya naisipan kong puntahan si Edward .. ang dami girls na nasa court pa din kahit katatapos lang ng practice at nagulat ako sa nakita ko yung isa leader ng cheering squad pinupunasan si Edward
"aba ! talagang inagawan pa ko ng trabaho ako nga hindi ko pa nagagawa yan ang kapal" bulong ko sa sarili ko
Hindi na ko nakapag pigil at pumunta na ko kung nasan sila
"Ehem" naka kunot na mukhang bungad ko
"Kisses nanjan ka pala" sabi nun higad
"ay hindi picture ko lang to"naka irap kong sabi sabay kuha ng bimpo
"ako na dito nakita ko pala si George mukhang hinahanap ka"
Nagulat at namutla siya sa sinabi ko , boyfriend niya lang naman kasi yun , ang landi nuh !
"ah sige una na ko Edward"
"Tsss may Boyfriend na humaharot pa sabi ko"
Si Edward pa ngiti ngiti lang mukhang masaya pa
"ikaw naman may boyfriend na yung tao nag papapunas kapa" inis kong sabi "Siya nag punas e saka pawis ako oh kailangan ko ng taga punas"
"Bakit baldado kaba para hindi mo kayang punasan yung sarili mo"
"Nagulat din ako sawayin ko na nga sana siya kaso naunahan mo na ko"
"Palusot kapa ang sabihen mo gusto mo lang"
"Hindi ahhh"
"Ewan ko sayo ! jan ka na nga mag sama kayo ng hipon na yun" sabay alis ko
"Kisses" tawag niya pero hindi ko siya pinansin
Nakakaasar wala na nga si Heaven ang dami pa din karibal na umaaligid ! naiinis ako ! bakit kasi ang gwapo mo Edward hindi ba pwedeng ako lang maka appreciate sayo huhu .. nakaka pang selos !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
************************
BINABASA MO ANG
Denial King Meets Beauty Queen
RomansaThis story is all about Kisses and Edward (KissWard)