Phoebe's POV
Hanggang ngayon di pa rin nagsisink-in sa akin na wala na si Glenda ang matalik kong bestfriend. Mahal na mahal ko siya at feeling ko wala ng saysay ang buhay ko dahil wala na siya, parang gumunaw ang mundo ko? Parang ganon na nga.
Ngayon nasa school ako, naglalakad mag isa dahil wala na nga siya diba? Share ko lang, Lucifero De Jesus Academy ang school ko, di masyadong kilala pero maganda naman dito.
Naglalakad ako ngayon sa soccer field, wala namang naglalaro kaya okay lang. Normal lang na araw 'to para sa lahat pero sa akin hindi. 10th Anniversary namin sana ngayon ni Glenda pero iniwan niya ako.
Nasa main building na ako at napansin kong habang naglalakad ako sa hallway, ang daming nakatingin sa akin. Hindi naman sila ganto sa akin dati, pero siguro dahil bigla na lang nawala si Glenda at nasanay silang lagi kong kasama si Glenda.
"Phoebe!"
May tumawag sa akin na galing sa likod, lumingon ako. Si James lang pala, ano na naman ang sasabihin nito sa akin.
"Bakit nanaman ba, James?" Sagot ko sa kanya na may halong pagkainis, ang kulit kasi.
"Wala pa nga akong sinasabi diba? Tapos galit ka kaagad?" Pagrereklamo niya sa akin. Hmmm. Nakakainis talaga 'to.
"Oh, ano ba kasi sasabihin mo?" Tanong ko sa kanya.
"Ano bang nangyari kay Glenda?" Tanong niya sa akin.
Bigla akong sumimangot, namimiss ko nanaman tuloy si Glenda. Hanggang ngayon ay misteryo pa rin sa akin ang pagkawala niya. Hindi ko malaman kung lumayas ba siya o may kumuha sa kanya. Wala naman siyang kagalit. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dito kay James. Ikukwento ko ba? o itatago ko nalang.
"Sige, ikukwento ko sayo." Napagdisisyunan ko na ikwento nalang sa kanya ang lahat.
"Sige, dun tayo sa may bench."
Agad agad kaming nagtungo sa may bench at inumpisahan ko na ang pagkukwento sa kaniya...
Flashback
"Ano ba ang nangyari dito?" Tanong ni Detective Joanne sa akin. Siya muna ang tinawagan ko bago ang mga pulis, tutal mapagkakatiwalaan naman siya, siya ang detective ng pamilya namin.
"Pagdating ko po dito, ay wala na si Glenda. Hindi ko po alam kung saan siya nagpunta at di man lang siya nagpaalam sa akin." Sagot ko ng maypagaalin-langan. Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko, sa totoo lang.
Si Glenda ang pinakamatalik kong kaibigan since 6 years old palang kami. Magkakaibigan din ang mga parents namin, pero nagbago ang lahat ng malaman ng mommy ko na kabit ng daddy ko ang mommy ni Glenda, pero 'di naman naapektuhan ang pagkakaibigan namin bagkus mas lalo itong tumibay. Hinadlangan man kami ng mga magulang namin pero nanatili kaming matatatag.
Napansin kong umiikot sa paligid ang mata ni Detective Joanne, lagi niya itong ginagawa kapag may kakaiba or nakakalito sa crime scene.
"May picture ba ito o wala?" Tanong niya sa akin habang hawak ang frame na nakalagay sa table ko.
Maya-maya'y napansin kong wala na nga ang picture ni Glenda sa frame. Ayun lang ang natitirang picture niya na nasa akin. Bigla pang nawala...
"Meron po, pero sa pagkakaalam ko ay hindi ko 'yun kinuha." Sagot ko naman sa kanya. Hindi ko alam kung nawala ba o may kumuha...
"Parang may mali..." -Detective Joanne.
"Ano po iyon, detective?" Tanong ko.
"Pwede bang pumunta sa kwarto ni Glenda?" Request sa akin ni Detective Joanne at agad ko naman itong pinagbigyan at hinatid ko siya sa kwarto ni Glenda.
Pagkarating namin sa kwarto ni Glenda, nagulat siya dahil imposibleng walang bahid ng krimen ito, pati ako ay nagulat dahil napakalinis at ayos nito. Binuksan namin ang damitan ni Glenda at maayos din ito. Walang bahid ng pagnanakaw o pagpatay.
Nakikita kong kumukunot na ang noo ni Ms. Joanne. Halatang nalilito na siya. Hindi naman siya ganito noon. Mukhang nahihirapan na siya sa kaso.
"May mali sa crime scene." sabi niya na nakatungo. Halata sa mga mata niya ang frustration.
"Ano po yung ibig niyong sabihin?" Tanong ko.
Bigo akong makuha ang sagot niya. Umiling lang siya sa akin. "Kailangan ko ng umuwi, magreresearch nalang ako tungkol dito. Tumawag ka sa akin kapag may napansin kang kakaiba o ebidensya, nagkakaintindihan ba tayo ah?"
"Opo, detective." sagot ko, sabay agad ko naman siyang hinatid sa labas at nagpaalam siya sa akin. Mabilis niyang pinatakbo ang kotse. Palakad na ko papasok ng bahay...
Biglang.....
BOOOOOOGGGSHHH!
Isang galabog ang narinig ko mula sa labas."Si Ms. Joanne!" Agad akong lumabas at sinilip kung ano ang nangyari. Maraming tao sa labas.
Tumakbo ako kung saan nagkakagulo ang mga tao. Kinakabahan ako, may iba akong kutob sa mga nangyayari. Pagkarating ko doon ay maraming sari-saring opinyon ang narinig ko.
Hala kawawa naman....
Oo nga eh, paano na ito?
Mukhang mayaman pa naman, sayang naman ang babaeng ito....
Pilit kong siniksik ang sarili ko sa mga nagtutumpukang mga tao na nakikichismis lang naman doon. "EXCUSE ME NAMAN PO PLEASE!?" sigaw ko dahil naiinis na ako eh.
Nagulantang ako sa nakita ko, ang kotse ni Detective Joanne pati ang duguan na bangkay niya sa loob ng kotse. Hindi ako makapaniwala na bigla na lang siyang namatay, parang kanina lang ay kausap ko siya. Pero ngayon? patay na siya!?
Narinig ko ang mga pulis, pinaguusapan nila ang mga nangyari. Ang sabi nila ay lasing daw si Ms. Joanne kaya bumangga sa kotse. Maling mali talaga, hindi siya lasing nung nakausap ko, pesteng mga pulis.
End of flashback
"So bale, dalawa yung nangyare?!" Tanong sa akin ni James.
"Oo nga diba? Nakikinig ka ba?" sigaw ko sa kanya.
"Nakakatakot naman pala yung nangyari, medyo creepy ah." -James.
"Oo na. Tss."
*RING RING RING*
Nagring na ang bell at hudyat na maguumpisa na ang klase.
Sabay kaming naglakad sa corridor malapit sa garden ng school, patay ang ilaw at tahimik din, tanging ang ihip nalang ng hanging ang nagiingay, wala na ding tao sa paligid. Kami nalang ang natitira dito, marahil ang iba ay nasa kaniya kaniya ng klase.
"Pssst."
May sumitsit sa amin. "Narinig mo ba iyon?"
Umiling lang si James, kaya dire-diretso nalang kami sa paglalakad at nakarating kami sa room.
"Good morning, late students!"
SINO 'TO? BAGO NAMING TEACHER?!
---------------------------------------
Hi guys! Tinry ko lang gumawa, sana subaybayan niyo ah? Thank u. -pogii

BINABASA MO ANG
Roommate since 1987 (#Wattys2016)
Horror'Kay tagal ko na siyang hindi nakikita simula nung kanyang kaarawan. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta, saan nga ba? Nakakapagod na maghanap. Pero isang misteryo ang nabuksan, ito na nga ba ang susi upang mahanap kita at ang tunay mong pagkatao?'