Maraming tao ngayon sa bayan, hindi tuloy ako makabili ng dapat ireregalo ko kay Glenda. Birthday niya kasi at kailangan kong paghandaan iyon. Hanggang ngayon ay di ko pa alam kung ano ba ireregalo ko.
Maya-maya'y tumunog ang kampana at hudyat na maguumpisa na ang misa. Hindi pa din ako nakakauwi, balak ko sanang magsimba kasama siya pero mukhang mahuhuli na kami.
Nakakita na ako ng regalo na babagay sa kaniyang katawan at kutis, isang blusang itim. Mukhang magugustuhan nya iyon kaya dali dali akong pumunta sa tindahan at binili iyon.
Umuwi na agad ako sa dorm na tinitirhan namin. Naeexcite na ako sa magiging mukha ni Glenda.
Umakyat ako sa hagdan na may kasamang pananabik, nang marating ko ang room namin. Unti unti kong binuksan ang pinto.....
Wala si Glenda.
Ni anino niya di ko nakita.
Nasaan ka ba?
BINABASA MO ANG
Roommate since 1987 (#Wattys2016)
Terror'Kay tagal ko na siyang hindi nakikita simula nung kanyang kaarawan. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta, saan nga ba? Nakakapagod na maghanap. Pero isang misteryo ang nabuksan, ito na nga ba ang susi upang mahanap kita at ang tunay mong pagkatao?'