Phoebe's POV
Pinapasok kami nung bago naming teacher. Nagulat kami, kasi di naman namin ini-expect. Well, kasi yung totoo naman talaga naming adviser ay si Miss Dela Cruz. Nasaan kaya siya ngayon?
"Hindi niyo ba ako babatiin, iho't iha?" sa sobrang gulat namin hindi na namin namalayan ni James, na nakaupo na kami sa upuan namin ng hindi binabati si ma'am... Ano nga ba pangalan nito?
"Ah-ahm... Good morning, ma'am..."
"Ma'am Hundson." bulong sa akin ni Catelyn, katabi ko.
"Good morning, Ma'am Hundson!" pagpapatuloy naming dalawa ni James, syemprw parang ang bastos naman tignan kung hindi namin itutuloy yung sasabihin namin diba?
Napaupo na kami, parang narinig ko na kasi yung pangalan niya. Hmmmm, oo di ako nagkakamali. Narinig ko na siya sa mga bibig ni Detective Joanne. Napakalamig ng boses niya...Mala-anghel.
"Kung nagtataka kayo kung bakit wala si Ms. Dela Cruz, ngayon ko na sasabihin para alam niyo na."
Huminga siya nang malalim, bumwelo para sabihin ang dapat sabihin.
"Ngayon na kasi ang start ng maternal leave niya." Dugtong niya.
"HUH!?" Nagulat kaming lahat kasi di namin alam na buntis pala si Ms. Dela Cruz. Siya ang pinaka close naming teacher, siya ang pinakaclose ni Glenda. Masasabi kong nanay ko na sya dito sa school, pero ba't di niya sinabi sa amin na buntis na siya? at bago siya umalis di man lang niya natanong kung ano ng nangyari kay Glenda. Nakakapagtampo lang talaga.
"Siya nga pala, may pinapabigay na sulat si Ms. Dela Cruz para kay Liza." Para kay Liza? Si Liza ang pinakatahimik naming classmate, siya ang pinakamabait, siya ang pinaka-kasundo ni Glenda sa room bukod sa akin. Iba ang nararamdaman ko pag kasama o katabi ko siya. Nanlalamig ako bigla.
Inabot naman ni Ma'am ang sulat kay Liza. Halatang balot na balot at ayaw ipakita. Malamang private message na dapat si Liza lang ang makaalam. Pero ba't si Liza, pwede namang ako nalang.
Nagtaas ng kamay si Zaira.
"Bakit si Liza lang po ang pinadalhan ng sulat ni Ms. Dela Cruz?" tumayo si Zaira, at nagtanong.
"Hindi ba dapat, lahat kami ay pinadalhan ng sulat, kasi lahat naman kami concern." dugtong ni Zaira, at sa wakas may nakakuha na rin ng pino-point out ko.
Nanahimik ang buong klase, tanging ang mga sanga ng puno sa labas ang gumagawa ng ingay kasabay ng hangin, bigla ko nanamang naalala si Glenda.
James' POV
Alam kong may bumabagabag sa isip ni Phoebe. Alam kong gusto niyang makuha ang sulat. Sa madaling salita...gusto niya itong mabasa.
"Tutal november na, ibig sabihin Halloween na. Magpa-paggawa ako ng group activity."
"Gagawa kayo ng play about different tradition about halloween."
"Nagkakaintindihan ba?" Sabi sa amin ni Ms. Hundson.
Maraming natuwa sa sinabi ni Ms. Hundson at yung iba ko namang classmate ay hindi at yung iba naman ay mukhang walang pakielam.
Tinignan kong muli si Phoebe. Halatang malalim ang iniisip niya. Gusto ko na siyang kausapin.
"Ang magkakagrupo ay sina, Phoebe, James, Zaira, Marco, Cess, Wilson, Rodwil at si..." sinabi na ni ma'am ang mga magkakagroup.
"Ma'am, sino pa po yung isa?!" tanong ni Phoebe kay ma'am.
Alam ko ang iniisip niya..."Si Liza..."
*RING RING RING
Tumunog na ang bell, recess na. Patayo na si Phoebe at mukhang lalabas ng room. "Phoebe!" tinawag ko siya at lumapit ako.
"Bakit?"
"Sabay na tayong kumain. Pwede ba?" Tanong ko sa kanya.
Phoebe's POV
"Oo sige, tara na! Kawawa ka naman eh." sagot ko kay James. Si James nga pala ang kambal ni Rodwil. Kung sa unang tingin di sila magkamukha pero kung tititigan mo na. Dun mo na malalaman na magkamukha sila.
Naglakad na kami papuntang cafeteria, habang naglalakad kami ay napansin kong lahat sila ay nakatingin sa akin. Medyo weird pero wala naman akong ginagawang masama sa kanila.
Nakarating kami sa cafeteria, at may narinig kaming nagaaway.
"HOY ANO BA!? TIGNAN MO YUNG GINAWA MO SAKIN OH." sigaw nung babae na halatang galit na galit.
Napatingin sa akin si James at alam kong kilala niya ang boses na iyon. "Si Zaira!"
Pumasok kami sa cafeteria at tama kami ng hinala. Si Zaira nga ang nakikipag-away.
"Sorry..." nagmamakaawang sabi nung inaaway ni Zaira. Naawa ako sa kanya. Nakikita ko sa mga mata niya ang takot at kaba.
"Gusto mo bang ipa-guidance kita? Baka nakakalimutan mo na anak ako ng Guidance Counselor."sabi ni Zaira, oo nga pala. Anak si Zaira ng guidance counselor ng school.
Napansin ko ang hawak ng babae ang isang shake at mukhang natapon ito sa uniform ni Zaira, parang maliit na bagay lang pinapalaki pa. Tss.
"Ano, pipigilan ba natin yan?" Tanong ko kay James. Nakita ko siyang nakatitig lang ng masama kay Zaira.
"Huwag hayaan mo siya. Ginusto niya yan." Nakakapagtaka ang sagot ni James. Mukhabg seryoso na siya. Seryosong seryoso.
Nakakapagtaka lang si Zaira, nung unang pasok ko dito ay napakabait niya we used to be friends, bat ganito ang inaarte niya? Ibang- iba kaysa sa dati.
Hindi na ako nakapagtimpi at pumunta ako sa kinaroroonan ng pag-aaway. "Phoebe, wag!" pinigilan ako ni James pero tuloy-tuloy pa din ako sa paglalakad.
"Tama na yan, Zaira." Awat ko kay Zaira sabay hawak sa balikat niya.
"HUWAG KANG MANGIELAM DITO, WALA KANG ALAM." sigaw sa akin ni Zaira.
Natahimik na lang ako dahil hindi ko ugaling makipag-away. Nagiba na nga talaga siya. Bakit ganon?
Napansin kong tumingin si Zaira kay James at mukhang nagsesenyasan sila. May tinatago ba ang mga ito sa akin?
"Sorry... Phoebe..." Nagulat ako at biglang nagsorry si Zaira at tumakbo palabas ng cafeteria at pinagtinginan kami ng lahat. Pinatayo ko naman yung babarng nakaluhod na patuloy pa rin sa pagiyak.
Lumabas na kami ni James sa cafeteria. "James, may tinatago ka ba sakin?" tanong ko kay James dahil hindi mawala sa isip ko yung senyasan na naganap kanina.
"Wala syempre, sinenyasan ko lang siya para mag-sorry sayo." sagot ni James."Eh bakit biglang nag-iba si Zaira?" Dugtong kong tanong.
"Lahat ng tao may tinatago kaya mag-ingat ka."
Nagulat ako sa sinabi ni James. Ang weird lang ah.
Naglakad na kami patungong classroom. Nandun na ang mga classmates namin. Nakita ko si Liza na binabasa na ang sulat.
Tinignan niya ako at biglang tinago ang sulat. Pumasok na kami sa loob at pagdating ko sa upuan ko ay may sulat. Hindi kaya ito na ang sulat ni Ms. Dela Cruz.
Binuksan ko ang sulat.
Hi Phoebe, kamusta ka na? Handa ka na bang mamatay?
Nangilabot ako...
BINABASA MO ANG
Roommate since 1987 (#Wattys2016)
Horor'Kay tagal ko na siyang hindi nakikita simula nung kanyang kaarawan. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta, saan nga ba? Nakakapagod na maghanap. Pero isang misteryo ang nabuksan, ito na nga ba ang susi upang mahanap kita at ang tunay mong pagkatao?'