PANG-ANIM

105 4 2
                                    

3rd Person's POV



Hanggang ngayon ay tahimik pa din ang klase nina Phoebe. Nalaman kasi ng iba nilang kaklase ang karumal-dumal na nangyari kay Ms. Dela Cruz.



Hindi nila matanggap na yung pinaka-mamahal nilang guro ay nawala sa isang iglap.




Phoebe's POV

Hanggang ngayon ay nakatunganga pa din ang buong klase. Ang tagal kasing dumating ni Ms. Hundson at bukod pa dito, nalaman kasi ng buong klase ang pag-kamatay ni Ms. Dela Cruz.

"Nakakaawa naman talaga..."

"Oo nga eh, hindi deserve ni ma'am yun..."


"Well, mabuti lang sa kanya yun!"


Napatingin ako sa nagsaba nun. Si Cess. Nagulat ako sa sinabi ni Cess. All this time, akala ko gusto niya si Ma'am.



Malaki ang ipinagbago ni Cess simula nung nawala si Glenda, ewan ko? Parang lumalabas na kasi yung tunay niyang ugali? Parang ganon na nga. Hindi ko alam kung coincidence lang.


Naalala ko noon, lagi pa kaming magka-kasabay nila Glenda kumain tuwing breaktime, pero anong nangyari? Wala na lahat ng pinagsamahan namin.

Lahat kami ay napatingin kay Cess, halost lahat. Yung iba naman ay walang pake yung tipong may sarilu silang mundo at malamang di nila narinig ang sabi ni Cess.



"Bakit mo naman nasabi yan?" tanong ko kay Cess at hinarap ko siya.


"Well, deserve niya naman talaga yun eh!" sigaw sa akin ni Cess habang naka-hawak siya sa kaniyang bewang. Lagi na lang 'tong nakasigaw sa akin eh.



"Pero mabait naman si Ms. Dela Cruz eh." mahinahon kong sagot sa kaniya.


Tinitigan niya akong mabuti. Nanlilisik ang kaniyang mga mata na parang lalamunin ako ng buo. Dinuro niya ako bigla at sabay sabing...."Wala kang alam dito! Transferee ka lang!"



Napaatras ako sa sinabi ni Cess, oo nga pala. Transferee lang ako dito. Lumipat lang ako dito kasi dito nag-aaral si Glenda at gusto ko siyang makasama, pero anong meron kay Ms. Dela Cruz? Bakit galit na galit si Cess sa kaniya?


"Tama na yan!" sigaw ni Lilia sa aming dalawa. Halatang galit na galit na siya. Namumula kasi ang kaniyang mukha.




*TOK TOK TOK TOK




Napatingin kaming lahat sa pintuan ng classroom ng may kumatok. Si Mr. De Jesus, ang assistant principal ng school namin.


"Students, cut na ang klase natin. Magkakaroon kasi ng urgent meeting ang mga teachers. Keep safe, guys!" sigaw niya sa amin at bigla ng umalis. Wala na daw palang pasok eh, kaya pala kanina pa kami dito naghihintay.

Napatingin ako ulit kay Cess, at nagkatitigan kaming dalawa. Tinaasan niya ako ng kilay at sabay irap sa akin. Kinuha niya ang kaniyang bag at naglakad patungo sa harap ko. "Wala kang alam, baka ikaw na ang sumunod kay Ms. Dela Cruz..." dumaan siya sa harap ko at lumabas na.



Kinilabutan ako sa sinabi niya, di kaya si.... 'Wag kang maghinala, Phoebe! Pero may paano kung si Cess nga?! Baka ako na ang sumunod!



Dinala ko ang bag ko at dumiretso ako palabas. 'Pag labas ko ay nakita ko si Cess, mukhang inuutusan siya ng isang teacher mula sa science department.


Roommate since 1987 (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon