Phoebe's POV
"Wala n-naman..." Nagulat kaming dalawa ni James ng biglang nakielam si Liza sa usapan namin, di kaya narinig niya ang pinag-uusapan namin?!
Bumalikwas na ng tingin si Liza sa amin, at nagtinginan kami ni James bakulaw. Ay, bakulaw este James Victorino, mukhang alam na alam niya na talaga tumatakbo sa isip ko ah.
"'Di kaya narinig ni Liza yung mga pinag-uusapan natin kanina?" bulong ni James sa akin. Sabay lapit ng mukha, ano ba naman ito!? Parang ayun lang yung sasabihin kailangan pang ilapit ang mukha sa akin. Ungas talaga ito eh. Nakakaasar na talaga!
"Baka naman hindi! Lumayo ka nga sa akin!" sabi ko sa kanya. Tinulak ko siya palayo, nakakairita kasi ang pagmumukha niya. Alam kong madaming nagkakagusto sa kanya pero hindi ako isa dun sa mga yun.
"Ano? Gusto mo bang malaman kung ano ang nasa sulat ni Liza?" tanong niya sa akin. Biglang naiisip ko ulit si Glenda. Mukhang kailangan ko ngang mabasa iyon.
"Oo."
"Sumakay ka lang sa akin ah?" tanong niya sa akin at bigla akong tumango bilang sang-ayon sa kanyang sinabi.
"Guys! Alis muna kami ni Phoebe ah? May kukunin lang kami." pagpapaalam ni James sa mga group mates namin. Tumango silang lahat at mukhang nagustuhan nila kasi wala namang kaming ginagawa doon.
Sinundan ko palabas si James at bigla kong nahalata na papunta na pala kami sa may likod-bahay nila Liza. Nakikita ko siyang umaakyat sa bubong nila Liza.
"Anong ginagawa mo diyan?! Mukha kang tanga." sigaw ko. "Shhh! Wag kang maingay, please. Ito na nga yung plano eh."
Agad naman akong tumahimik, tumango pala ako sa kanya kanina nung sinabi niyang..."Sumakay ka lang sa akin ah?" Ano kaya ang binabalak ng ungas na ito?
"Umakyat ka na din, bilisan mo!" pinagmamadali niya ako sa pag-akyat.
Dali dali naman akong umakyat ng mahinahon. May binaba siyang lubid, kaya hindi aki nahirapan sa pag-akyat. Nung malapit na ako sa bubong inabot niya ang kamay niya sa akin..."Halika na dito!" Agad ko namang inabot ang kamay niya.
Tumigil ang mundo ko, bumilis ang takbo ng dibdib ko. Ba't ganito ang nararamdamab ko kay James?! Bawal 'tong ginagawa mo, Phoebe! Mali itong ginagawa mo! Bumitaw ka na!
"Kaya ko na pala -AHHHHHH!" binitawan ko siya at bigla akong napahiga sa dibdib ni James. Tinignan ko ang mukha niya at nagkatitigan kami. Nagpapawis siya, ang pogi ni-- Ay nako! Di siya pogi, Phoebe! Manahimik ka diyan .
"Ikaw ah, tinititigan mo na naman ako." Nagsalita na naman ang ungas na ito. Sarap kutusan.
"Ang kapal naman ng mukha mo!" sigaw ko sa kanya.
"Tss..." sabi niya. Tumuloy na siya sa kaniyang paglalakad sa bubong at pumasok sa isang butas. Hindi ko alam kung anong tawag dun pero sumunod na lang ako sa kanya. "Anong tawag dito, James?"
"Bobo ka talaga, attic yung tawag dito." minura pa talaga ako eh no?
Pagpasok namin 'dun, napansin ko na sobrang maalikabok, sobrang dilim at madaming insekto rin ang nagkalat tulad ng ipis, langaw at gagamba.
BINABASA MO ANG
Roommate since 1987 (#Wattys2016)
Horreur'Kay tagal ko na siyang hindi nakikita simula nung kanyang kaarawan. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta, saan nga ba? Nakakapagod na maghanap. Pero isang misteryo ang nabuksan, ito na nga ba ang susi upang mahanap kita at ang tunay mong pagkatao?'