PANG-WALO

81 5 0
                                    

Phoebe's POV








Nasa burol ako ngayon ni Yaya Precy, hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala na wala na ang nag-aruga sa akin since 5 years old ako. Madami kaming masayang ala-ala ni Yaya Precy.






Hindi ko pa rin lubos maisip kung sino ang may gawa ng sunod-sunod na pagpatay. Kung buhay ma siguro si Detective Joanne, malamang masasagot niya ito...pero patay na din siya.





Magdi-dilim na, parami na ng parami ang tao sa burol, nakaupo lang ako ngayon at hinihintay ko si James sabi niya kanina sa chat namin eh, 5:00 daw nandito na siya pero 6:00 oc'lock na...talkshit alert.




Maya-maya'y lumakas ang hangin, tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan. Hindi ko alam kung anong meron pero....





"Hoy!" isang lalaki ang sumigaw at kaagad naman akong lumingon sa lalaking 'yun at si James lang pala. 






"Kung maka-hoy ka naman eh no? Saan ka pa ba nanggaling? ang tagal tagal mo naman." bulalas ko sa kanya.






"SHHHHH!!!" Nakalimutan kong nasa burol pala kami ngayon.





Sa sobrang hiya naming dalawa, lumabas kami sa loob ng chapel at dumiretso kami sa parking lot dahil aalis pala kaming dalawa.






"Napahiya tayo sa burol dahil sa kahambugan mo kanina!" sigaw ko sa kanya.





"Okay." AYUN LANG ANG ISINAGOT NIYA?




Hindi na lang din ako kumibo. Kinuha niya ang kaniyang susi sa kaniyang bag at pinaandar ang kotse. Hindi ko alam kung saan kami pupunta...'Saan ba tayo pupunta, James?' tanong ko sa kanya habang siya ay nakatingin lang sa daan at nakatuon ang buong atensyon sa pagmamaneho.





"Wag mo ng tanungin. Supresa kasi 'to." Surpesa?





Maya-maya'y napatingin ako sa bintana at inappreciate ko ang traffic sa edsa. Napaka traffic pala talaga. Inaantok ako...pumikit ang mata ko...





James' POV





Nakatulog na pala itong si Phoebe. Nako, antukin talaga itong babaeng 'to. Mabait pala talaga siya pag tulog no? Papunta kami ngayon sa Rizal Park. Kahit medyo common, dun pa din napili ko. Minsan lang 'tong pumayag si Phoebe kapag nagyayaya akong gala kaya susulitin ko na ito.



Onti na lang at malapit na kami, gigising ko na ba siya?




May sasabihin kasi ako sa kanya na dapat matagal ko ng sinabi. Medyo nahihiya kasi talaga ako eh at nakakatorpe din kasi. Aamin ko na talaga.




Nandito na kami...




"Oy, nandito na tayo, gumising ka na!" bulyaw ko sa kaniya at agad na man siyang naggising at tinignan ako ng masama.




"Hayop ka, nagulat ako sayo!" bulyaw niyang pabalik sa akin, dapat pala di ko na lang siya sinigawan.




"Bumaba ka na diyan." sabi ko sa kaniya ng mahinahon, napaka ganda niya pag bagong gising.




Dali-dali kaming bumaba sa kotse at naglakad na kung saan-saan. Tahimik lang siya at hindi natingin sa akin, nakakairita naman, ba't di ako makapagsalita?




"Ano bang ginagawa natin dito?" tanong niya sa akin.




Nakatingin lang ako sa kaniya, hindi ko alam kung paano ko ba 'to sisimulan eh. Paano ba?!




Roommate since 1987 (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon