Phoebe's POV
Hindi ko parin masikmura yung sulat na nasa table ko kahapon. Hanggang ngayon ay di ko pa rin alam kung sinong tarantadong mapan-trip ang naglagay nun sa table ko. Wala akong kagalit sa room or sa school.
Ngayon, nasa hospital ako. Binabantayan ko ang kapatid ko na si Luela. Nagpaulan kasi 'to eh tapos ngayon inaapoy ng lagnat. Buti na lang at walang pasok kaya okay lang.
"Luela, lalabas lang ako, wag kang magulo ah?! Kahit ngayon lang please. Wag na wag mong gagalawin ang phone ko. Bibili kita ng pagkain." Pagpapaalam ko sa kapatid, naawa lang ako bigla kaya ko bibilhan ng pagkain bilang pambawi na din sa mga nasasabi ko pag pinapagalitan ko siya.
"Sige po ate hmmm.." Napatungo nalang siya at pumikit. Mukhang iidlip muna.
Mahina kong sinara ang pinto, ayaw ko siyang istorbohin dahil mabait yang si Luela pag tulog o di kaya may sakit. Si Luela ang ampon nila mommy at daddy recently lang. Oo, ampon siya pero mahal na mahal ko siya, very close siya sa amin ni Glenda. Kung minsan, makulit man siya pero pag naglambing sayo, matutuwa ka. 7 years old pa lang siya ngayon.
Sumakay ako ng elevator at may nakasabay akong babae. Nakatingin siya sa akin at akmang mayron siyang gustong sabihin pero nahihiya or natatakot siya.
'iha...'
'iha' lang ang nasabi niya sa akin at siyempre di ko na siya pinansin.
Bumukas ang elevator at nagmadali akong lumabas. Dire-diretso lang ako patungo sa exit ng makakita ako ng isang babae. Pamilyar sa akin ang mukha.
"Alexa!" sigaw ko dun sa babae at dali-dali naman itong tumingin sa akin.
Si Alexa ang nakababatang kapatid ni Ms. Dela Cruz. Close ko siya dahil madalas kaming dumalaw ni Glenda sa bahay nila Ms. Dela Cruz.
"Oh nandyan ka pala, Phoebe..." Gulat niyang sabi sa akin, pero mukhang malungkot siya. Ano kaya ang nangyari? "Anong ginagawa mo dito?" dugtong niyang tanong sa akin.
"Wala, binabantayan ko lang yung kapatid ko na si Luela."
"Eh ikaw? anong ginagawa mo dito?" tanong ko naman sa kanya.
"Ahmm, binabantayan ko si Priscila, kasi nagkasakit siya yung bunsong kapatid namin ni ate."
"Ah ganon ba? Eh kamusta naman si Ms. Dela Cruz? Kamusta naman pagbubuntis niya?" tanong ko sa kanya at bahagyang nagulat siya sa tinanong ko, bakit ba? Anong meron?
"Oh bakit? May nasabi ba akong masama?" -Phoebe.
"Buntis ba si ate?! Hindi ko kasi alam eh." Nakakapagtaka naman ata kung hindi niya alam na buntis ang ate niya.
"Ay? Joke lang yun, miss na miss ko na kasi kayo eh, sige alis na ako. Bibili pa ako ng pagkain ng kapatid ko, see you later!" Bumalikwas na ako ng tingin at tumalikod na. Umiwas na lang ako kesa ako pa pagmulan ng away nila na mag-kapatid.
Naglalakad na ako ngayon papunta sa convinience store at hanggang ngayon tumatakbo pa din sa isip ko yung pagkabuntis ni Ms. Dela Cruz nang hindi nalalaman ni Alexa, impossible yun. Sa pagkakaalam ko, close sila eh, di kaya hiwalay na sila ng bahay? Siguro nga.
BINABASA MO ANG
Roommate since 1987 (#Wattys2016)
Ужасы'Kay tagal ko na siyang hindi nakikita simula nung kanyang kaarawan. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta, saan nga ba? Nakakapagod na maghanap. Pero isang misteryo ang nabuksan, ito na nga ba ang susi upang mahanap kita at ang tunay mong pagkatao?'