James' POV
Ang tagal naman ni Phoebe, siya na lang ang hinihintay para masabi na ang mga characters namin para sa play na gagawin namin.
"Nasaan na ba yun si Phoebe!?" tanong sa akin ni Marco na halatang iritang-irita na dahil sa hindi pa nga dumadating si Phoebe.
"Malapit na yun, hintayin na lang natin siya." Pagtatakip ko kay Phoebe, ang tagal kasi eh.
Pagkasabi ko ay tumingin silang lahat sa akin ng masama. Halatang bagot na bagot na sila at timping timpi dahil nga ang tagal ni Phoebe pumunta dito sa bahay nila Liza. Hindi ko rin naman sila masisisi, kasi kanina pa kami dito naghihintay.
Phoebe's POV
Hay sa wakas at nakarating na din ako dito sa bahay nila Liza. Kanina pa siguro sila nandito. Malamang nang-gagalaiti na ang mga iyon sa akin.
*DING DONG DING DONG
Pinindot ko ang doorbell, para alam na nila na nandito na ako. Sakto naman ay pinagbuksan na agad ako ni james sabay sabi ng..."Lagot ka! Kanina ka pa nila hinihintay, hindi ko na nga alam kung anong sasabihin ko eh. SAN KA BA GALING!?"
Hindi na lang ako sa kanya umimik, baka humantong lang sa pagaaway ang pag-uusap namin. Hanggang ngayon ay bumabagabag sa akin kung sino ang sender ng text na iyon. Nakakatakot kasi at isa pa si Glenda, nagaalala na ako para sa kanya.
Pumasok na ako sa loob ng bahay nila Liza. Nakatingin silang lahat sa akin ng masama. Anong problema ng mga ito?!
"Sorry guys, binantayan ko lang yung kapatid ko sa hospital. Nilalagnat kasi siya. Sorry talaga, especially to Liza, kung pinaghintay ko kayo ng matagal." Nagbigay na ako ng reasons ko at sana naman ay maintindihan nila. Nag-sorry na rin ako para wala na silang masabi.
"BA'T BA KASI ANG TAGAL MO?! ALAM MO YUNG NAKAKAIRITA KA NA?!" sigaw sa akin ni Cess. Aba't nagpaliwanag na nga ako diba?!
"Sorry na nga kasi..." patuloy pa din ako sa paghingi ng patawad.
"ANONG SORRY SORRY!? ANG TAGAL NAMING NAGHINTAY DITO, TAPOS ANO? SORRY LANG?! GANON BA? MADAMING ORAS ANG NASAYANG, ALAM MO BA IYON?!" pero bakit kahit ilang beses pa ako humingi ng tawad ay di niya pa rin maintindihan?
Lahat silang nakapalibot sa amin, sina Marco, Rodwil, Zaira, James, Lilia at Ianne ay nakatitig lang sa amin at walang ginagawang aksyon, ano bang problema ng mga ito?
Inirapan ko na lang si Cess, ayoko na kasing lumaki pa yung away kaya di ko na lang siya pinansin, kung baga sa chat, sineen ko nalang siya.
"Tama na Cess..." mahinang sabi ni Lilia kay Cess at agad-agad namang tumigil si Cess. Dati namab ay hindi ganyan si Cess, pero simula nung nawala na si Glenda, nagka-ganyan na siya.
"Okay sige, let's start the meeting na lang para makauwi na kayo..." mahinahong sabi ni Liza.
"Ano ba pwede nating i-theme?!" tanong ko sa kanila.
"Haunted house?"-Rodwil
"Demonic Possesion?"-Zaira
"Hindi ba masyadong delikado yun? kasi baka mamaya biglang magkatotoo?" sabi ni James na mukhang nag-aalala, ang over acting talaga nito.
"Wag ka ngang OA please..." halatang nainis si Liza pero mahinahon pa din siyang nagsalita, may kakaiba talaga sa babaeng ito.
"Eh kung, Cemetery na lang?" suggest naman ni Marco.
Nagtaas bigla ng kamay si Ianne, ang weird. Siya ang pinaka mabait kong classmate. Siya rin ang pinaka misteryoso at tahimik. Ano kayang suggestion nito?
"Ano yun, Ianne?" tanong ni Rodwil.
"Paano kung kidnapping case kaya..."
Kinilabutan ako sa sinabi niya, naalala ko na naman si Glenda. Masyadong misteryoso itong Ianne. Hindi ko na alam...
Nagkatinginan kami ni James. Siguro alam niya yung tumatakbo sa isip ko ngayon. Nasaan na ba kasi si Glenda?
James' POV
Alam ko na kung anong tumatakbo sa isip ni Phoebe ngayon, malamang naalala niya na naman si Glenda sa oras ngayon.
Nagkaroon ng katahimikan sa sala ng bahay ni Liza. Tanging ang electric fan lang ang gumagawa ng ingay.
Lumakad ako ng tahimik papunta kay Phoebe habang nag-uusap ang iba naming mga classmates. Hindi niya ako tinitignan at nakatingin lang sa bintana na malapit sa sofa nila Liza.
"Okay ka lang ba?" tanong ko kay Phoebe na may halong pagtataka, iba na naman ang kinikilos niya at marahil dahil ito sa pag-alala niya kay Glenda.
"Okay lang naman ako eh, ba't ka ba nangingielam?" ito na naman siya, ang init na naman ng dugo sa akin. Ano bang mali sa akin?
"Wag ka ngang epal ah?! Please kahit ngayon lang." sinigawan niya ako, kaya biglang napatingin sa amin sila Cess. Siguro ngayon iniisip na naman nila na paepal kami, dahil binasag namin ang katahimikan at mukhang sobrang naistorbo namin sila. Sigaw kasi ito ng sigaw si Phoebe eh.
Matagal na akong may gusto kay Phoebe, di ko lang sinasabi. Natatakot kasi ako, epal kasi ito eh. Sige, sino bang hindi matatakot, eh ngayon pa lang ang init na ng ulo sa akin diba?
"Pst! Wag namab kayong maingay, nagmi-meeting kami dito diba? Respeto naman kasi." sigaw ni Rodwil sa amin na halatang naiinis na sa amin. Nako, patay tayo diyan.
"Wag mo kasi akong sigawan..." sabi ko kay Phoebe na may halong pang-iinis.
Napatingin siya sa akin ng masama, halatang halata na inis na inis siya sa akin. Ang sarap talagang asarin ng babaeng ito.
Ako nga pala si James Victorino, 17 years old. May gusto na ako kay Phoebe simula nung freshmen kami nung highschool, kaya nga sinundan ko siya kung saan siya mag-aaral ng Grade 11 at Grade 12 eh.
"Sorry kanina..."
"Naaalala ko lang kasi talaga si Glenda. Minsan iniisip ko kung nasaan siya, kung okay lang ba siya. Pero isa lang ang nasisigurado ko kailangan niya ang tulong ko."
"Paano mo naman nalaman?" tanong ko.
"Isang beses, pagkaupo ko sa arm chair ko sa room. May nakita akong sulat na humihingi ng tulong at malamang galing kay Glenda yun."
Nagulat ako sa sinabi niya, di kaya sa binigay ni Ms. Hundson na sulat kay Liza ang sagot sa katanungan ni Phoebe?
"Alam mo ba yung sulat na galing kay Ms. Hundson na binigay kay Liza? Yung pinapadala daw ni Ms. Dela Cruz?"
"Oo..."
"Baka andun ang sagot..."
Napatingin sa amin si Liza...."May problema ba kayo?"
Umihip ang malakas na hangin....
A/N: Hi guys! Sorry late ulit. Busy sa school mwa.
BINABASA MO ANG
Roommate since 1987 (#Wattys2016)
Kinh dị'Kay tagal ko na siyang hindi nakikita simula nung kanyang kaarawan. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta, saan nga ba? Nakakapagod na maghanap. Pero isang misteryo ang nabuksan, ito na nga ba ang susi upang mahanap kita at ang tunay mong pagkatao?'