PANG-PITO

99 5 2
                                    

Phoebe's POV





*RING RING RING RING



Pinatay ko ang alarm clock, anong oras na din pala, 12:00pm na. Hanggang ngayon ang nagluluksa pa rin ako sa sunod na pagkamatay ni Ms. Dela Cruz at Ms. Hundson. Mugtong-mugto pa din ang mata ko ngayon, bukod sa puyat ako dahil binantayan muna namin si Ms. Hundson sa morgue hanggang sa dumating ang pamilya niya, umiyak din ako sa sobrang lungkot.





Niligpit ko na ang higaan ko, at bumaba ako papuntang sala..."Yaya?" tawag ko sa yaya namin.



"Yes, ma'am?" sagot sa akin ng yaya namin.




"Ay sige wala pala, labas lang ako yaya." pag-papaalam ko. Hindi naman ako masyadong maarte kaya papunta ako ngayon sa park kung saan lagi kami ni Glenda nagpupunta.





Napaka-sarap ng simoy ng hangin, inaalala ko na naman tuloy ang mga masasayang alaala namin ni Glenda, nung kasama ko pa siya, nung hindi niya pa ako iniiwan.




Nadaanan ko ang bahay nila Glenda noon, lumang luma na iyon. Na-mimiss ko ng pumunta sa kanila. Nung nag-senior high kasi kami ay naging mag-roommate kami sa isang dorm malapit sa school, naging masaklap ang paglipat namin dun, dahil dun siya nawala.





Lalagpasan ko na sana ang bahay nila ng may napansin akong naka-silip sa bintana, sa pag kaka-alam ko wala ng tao dito.




Pumasok ako sa bakuran nila at dali-dali akong pumunta sa pintuan. Dahan-dahan ko itong binuksan at sinilip ko ang bintana kung saan nakasilip yung babae kanina, bigla siyang nawala....





Pumasok ako sa loob, medyo madilim dito, wala ng ilaw, tanging ang liwanag na nagmumula sa labas ang nagbibigay liwanag dito. Nandito pa rin ang ibang gamit nila Glenda pero luma na din, sigiro dala na din ng panahon. Naglibot-libot pa ako sa buong sala at nakita ko ang picture na nawawala sa akin nung nagpunta sa amin si Detective Joanne...nandito kaya si Glenda?





"GLENDA?! Nandiyan ka ba!?" sigaw ko pero mukha lang akong tanga kasi walang sumasagot.





Umakyat ako sa itaas, medyo mapurol na din pala itong hagdan, malapit na ako sa second ng biglang....




*EKKKKKKKKKKKK



"Ahhhhhhh!" napasigaw na lang ako dahil nahulog ako sa isang kwarto....



Medyo madilim, wala akong maaninag. Hindi ko alam kung nasaan akong parte ng bahay na ito.



Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at binuksan ko ang flashlight. Nagulat ako, dahil kahit kailan hindi pa ako nakakapunta sa parte na ito ng bahay nila Glenda. Sinubukan ko alahanin kung nakapunta na ako dito pero hindi pa talaga.



Naglibot ako habang dala-dala ko ang aking cellphone.


*Ten nen ten nen ten nen ten

'Hanapin mo ako...'




'Papatayin kita...'



'Isa...'



'Dalawa...'




'Tatlo...'



Isang boses ang narinig ko mula sa isang voice box, nilapitan ko ito...


Flashback



Roommate since 1987 (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon