Pinakawalan na kita...
Pero bat ganun,
Masakit parin,
Sobra.Sobra sobra yung sakit...
Hindi lang doble,
Hindi lang triple,
Lagpas lagpas pa yung sakit,
Tinamaan yung utak ko na hanggang ngayon ikaw parin ang iniisip.Yung mga mata ko na nanlalaki kahit singkit ako makita ka lang sa tuwing papasok ako.
Yung ilong ko na naaamoy parin yung halimuyak mong nakakapag pag gaan ng pakiramdam ko.
Yung bibig ko na ang laki-laki ng ngiti at di na makapagsalita ang nakikita ka.
Yung leeg ko na napapaikot mo kapag tinatawag mo ako.
Yung mga balikat ko na sinasandalan mo pa dati kahit ang payat ko na at buto nalang ang nahihigaan mo.
Braso ko na kinakapitan mo pa kapag natatakot ka na oh sadyang nagiisip bata ka lang.
Yung mga kamay ko na gustong gustong hawakan din ang mga kamay mo.
Ngunit ngayon ang tanging hawak ko ay dibdib ko,
Pinipilit isiksik lahat,
Suportahan ang bigat,
Kasi baka bumigay na yung puso kong nahihirapan ng kumapit sa pag-asang pwede pang maging tayo,
Lalo nang nandiyan na siya,
Yung kaibigan kong alam kong masmapapasaya ka pa.Idadaan ko nalang siguro sa ngiti,
Sa iyak at sa tawa,
Sa mga patagong nakaw tingin,
Sa mga konting sulyap sa mala bituin mong halakhak na parang wala ng bukas.Siguro nga masasaktan ako ng masasaktan,
Hindi dahil nagseselos ako,
Bagkos hindi ko pa lubusang,
Bagkos hindi pa kita tuluyang nakakalimutan.Pangako ko sayo,
Sa mga bituing di maabot-abot,
Sa mga hilingang balon na maghuhulig ka pa ng piso, lima o sampu,
Pangako,
Bibitawan kita.
YOU ARE READING
Poems. Poetry.
PoetryShort poems. Will add more as life goes on... Please don't steal my content, if ever, put some credit. Thank you.