Bakit ganito,
Kapag iniisip kita sumasakit and dibdib ko,
Di ko maipaliwanag pero bakit ganito,
Para akong pinipiga,
Parang pinipisil ng sakit at hapdi ng mga ng yari satin,
Kada lipat ko ng pahina ng kwento natin mas sumisikip ng sumisikip ang dindib ko,
Para bang pinipilit uluwa ang pait ng nakaraan na ito.Ang hirap,
Ang hirap ng ganito,
Yung hindi ko mailabas yung sakit,
Ni luha ayaw pumatak,
Ano ba talaga to,
Bat di ko masabi sayo bat di ko kayang isigaw sa mukha mo,
Bat di kita masisi,
Bat di kita mahabol,
Bat di kita kayang ipaglaban.Nahihirapan na ako,
Di ako makatulog,
Di ako makakain ng maayos,
Di ako makatayo sa kamang gusot gusot na,
Di makapagisip ng maayos kasi puro nalang ikaw ng ikaw ang lumalabas sa utak ko,
Puro ikaw,
Lagi nalang ikaw,
Nakakasawa na,
Pero gusto ko paring maalala.Pano na nga ba ito,
Hanggang sa tulang ito nalang ba ang wakas ng pahina natin,
Isang malungkot at sawing wakas kung saan ang tanging konsepto ay ang sigawan, tampuhan at awayang tungkol sayo at akin.Tangina!
Gustong gusto na kitang yakapin,
Gusto ko ng ibuhos sayo lahat ng kwento ko na lagi nating ginagawa dati nung masaya pa tayo,
Gusto ko ng pisilin yung pisngi mong napaka taba,
Gusto na kitang hagkan,
Kasi sa mga ganitong panahon na ang bigat na sa pakiramdam,
Ikaw lang yung tinatakbuhan ko at iniiyakan.Gusto kong sabihin sayo na mahal na mahal kita.
Pero di ko alam kung pano.
P.S.
Masakit ang sawi na puso,
Tapos masisira ang mundo mo,
Tapos iisipin mo na ayos ka na,
Pero makikita mo na masaya na siya,
Kaya mapapa amin ka na gago ka,
Nagkamali ka,
Nangiwan ka.
YOU ARE READING
Poems. Poetry.
PoesíaShort poems. Will add more as life goes on... Please don't steal my content, if ever, put some credit. Thank you.