Di ko alam kung pano ko sisimulan,
Sa patawad ba, lihim o sugat,
Isang taon narin nung tayo'y nagkakilala,
Tanda ko pa nga nung una tayong nagkita,
Namimili ka nun ng damit sa mga nakasabit na paninda,
Nakatalikod ka pero alam ko na,
Isa ka sa mga di ko abot-kaya.Naglibot tayo noon,
Balak mo pa nga manood,
Kaso butas bulsa natin doon,
Kaya nagikot nalang ulit tayo hanggang sa mapagod.
Nagtambay tayo sa food court,
Bumili ka pa ng french fries,
Nginatngat natin hanggang sa maubos,
Tsaka natin napagpasyahan na umalis.Hinatid kita noon,
Hanggang sa pintuan ng jeep,
Nagsabi ako ng paalam,
Pero di na tumingin.Nagkita ulit tayo...
Pero mas masaya na ka dito,
Ang laki ng ngiti mo,
Hanggang langit ay abot,
Dahilan para ako'y mahulog ng lubos.
Umikot tayo,
Nag-gala, nag libot, nag lulusot sa pasikot-sikot na mundo mo,
Kung saan pati ako ay nasama.Napaisip nalang ako,
Ano pa bang ibang pwede kong ibigay sa iyong kaarawan?
Kung nasasayo na ang araw at buwan,
Kada ngiti mo ay parang halik narin,
Kung saan hanap-hanap ka na ng pisngi ko.
Kung tutuusin nahuhulog na ako sayo,
Hindi,
Mali,
Nahulog na ako sayo.Lumipas ang dalawang buwan,
Niyaya mo ulit ako makipagkita,
Tatlong araw bago mag pasko,
Busy ako pero pinili kong pumunta,
Siguro dahil gusto kita ulit makita.Nagkita tayo,
Niyakap mo ako't niyakap din kita,
Naglakad tayo nang saglit bago mapagusapang kumain.
May regalo ka sakin noon,
Gusto ko sanang tumbasan,
Ngunit wala akong maisip para sa taong kumpleto na kundi ang mahahalaga kong tula at salita.Di ko naman alam na huling pagkikita na natin ito.
YOU ARE READING
Poems. Poetry.
PoetryShort poems. Will add more as life goes on... Please don't steal my content, if ever, put some credit. Thank you.