Single na Ulit

42 1 2
                                    

Ang sarap palang mag isa...
Wala kang iisipin kundi ikaw lang,
Sarili mo lang.
Wala kang uunahin,
Wala kang aabalahin,
Wala kang paglalaanan ng oras mo.
Wala kang susunduin sa opisina na kahit pagod ka na mapipilitan ka padin.
Wala ka ng maririnig ma sumbat.
Wala ka ng kaylangang pagisipan kung masasaktan ba siya o hindi.
Wala na...
Wala ka ng iintindihin kun di ikaw.

Masaya lahat ng naiisip mong gawain.
Nakakathrill kada lalabas ka ng bahay kahit wala ka pang nakakain.
Balik sa barkada at sa dating tambayan.
Tuloy ang tawanan hanggang sa inuman,
Hanggang sa hating gabi kung san kitang kita ang buong kalawakan.
Kung saan kami nagkwentuhan.
Kung saan ako napaiyak ng tuluyan.

Tumulo ng tumulo ang luha,
Di ko mapigil ang pagpatak,
Ang pag agos ng mga salitang di ko inaakalang masasabi ko sa mga pagkakataong iyon.

Masakit.
Masaya ngunit masakit.
Masayang wala ka na pero masakit na gusto padin kita.

Masakit.

Poems. Poetry.Where stories live. Discover now