Pag Nagkataon at Pagkakataon

27 1 0
                                    

Para sa pinakamamahal ko,
Ngunit pinili kong bitawan.

Salamat,
Kasi hindi mo ko iniwan.
Patawad,
Kasi hindi kita mabitawan.

Salamat,
Kasi nandiyan ka parin pag kaylangan kita.
Patawad,
Kasi hindi ko kayang maiwan.

Salamat,
Kasi pinapasaya mo parin ako.
Patawad,
Kasi hindi ko matanggap na walang tayo.

Salamat,
Salamat ng sobra-sobra,
Higit pa sa mga bituin sa langit,
Higit pa sa nararamdaman kong sakit,
Higit pa sa luha na aking dinilig,
At higit pa sa abot ng langit.

Patawad,
Hindi ko man lang masabi o maamin,
Mahal parin kita kahit di ko sabihin,
Gusto man kitang yakapin,
Wala nang magagawa,
May iba ka ng kapiling.
Hayaan mo mawawala rin ito,
Balang araw makakalimot din ako.

Patawad muli,
Ayoko na kasing sirain ang lahat,
Ayoko ng palakihin pa ang sugat,
Nasasaktan na ako,
Nasasaktan na ako ng sobra.
Lalo na pag nakikita kitang masaya,
Kahit di ako yung dahilan o kasama.

Patawad,
kung para akong batang naghahabol ng paru-paro,
Minsan kasi mas gugustuhin mo nalang na maghabol at mamasdan lang ito kahit alam mong hindi mo kayang abutin.

Gusto ko ng tapusin ang liham na ito,
Gusto ko ng kalimutan ang ala-ala mo,
Kasi bawat segundo na pumapasok ka sa isip ko,
Lalong lumalalim and pagkabaon mo sa puso ko.
Sana di nalang kita nakilala,
Sana di ako nasasaktan ng ganito,
Sana di na tayo pinagtagpo...

Pero bali-baliktarin mo man ang mundo,
San mang dimensyon ang matunton,
Mas masaya ako,
Na nakilala kita kahit saglit,
Nakasama kahit pa pilit,
Nakausap ng kahit pabulong,
Nahawakan kahit sa isang pagkakataon.

Salamat,
At tinuruan mo kong magbigay tawad.

Poems. Poetry.Where stories live. Discover now