Gusto Kita

75 1 0
                                    

Pano ko nga ba sisimulan tong tula na para sayo
Oo, para sayo...
Pano nga ba?

Pano kung hindi mo magustuhan tong liham ko,
Kung di mo maintindihan itong mga nararamdaman ko.
Gusto ko na sana umamin sayo,
Pero pilit pinipigil ng utak ko na sabihin sayo ang totoo.

Nahuhulog na ulit ako sayo,
Pinipilit kong kumapit sa realidad na matagal na iyong wala.

Nahuhulog parin ako sayo,
Sa totoo lang gusto ko na bumitaw kasi nagbabakasakali akong sasaluhin mo ako

Bumitaw na ako,
Bigla mo kasing pinaalala na ang saya-saya ko pag kasama kita,
Mga panahon na wala tayong pake sa paligid kahit magtawanan tayo sa tabi ng eskwelahan.

Nahulog na ako,
Eto dinadarmdam ang hangin na pilit akong ina-angat para di ulit ako masaktan katulad ng dati,
Pero ako mismo ang nagpapabigat kakaisip sa mga masasaya mong ngiti,
Mga tawang hindi mo maintindihan kung mangkukulam ba o sadyang may kinakalimutan ka lang,
Mga luha mong tumutulo na may kasama pang sipon,
Pero yung pinaka mabigat na ala-ala na iniwan mo saakin ay yung pagtahan mo sa puso ko nung wala na akong makapitan sa bigat ng dinadala ko,
Ikaw yung nagsilbing lampara ko sa gabing walang buwan ag bituin.

Eto ako ngayon,
Nagaantay ng tamang panahon para umamin ulit
Umamin ulit na gusto na kita,
Gusto kita sa paraan na nandito lang ako,
Oo mahal kita pero alam kong wala na naman tayong pagasa
Kaya magtatago nalang ako dito sa tabi,
Magbabantay nalang ako,
Kasi alam kong sa mundong to maraming mananakit sayo,
Kaya sana hayaan mo nalang na ako ang masaktan sa ginagawa ko.

Tanga ko no,
Wrong timing.
Maling oras at maling panahon,
Kung malas ka nga naman oh.
Pero di bale na,
Ako naman pumili na magkaibigan naman tayo,
Ikaw na nga nagsabi na sakyan ko trip mo, at sasakyan mo trip ko,
Ganun nalang siguro tayo,
Para wala ng masasaktan,
Ang sabi ko nga sayo balikan mo siya kung mahal mo parin.

Huli na to sa mga sasabihin ko,
Kasi di ko alam kung kakayanin pa ng mga mata kong ito,
Sana naman umabot sayo ang mga nararamdaman ko na ibinaon ko sa kwentong ito,
Patawad kung mahaba, di pa nga yan ang dulo ng istorya ko, pero pinilit kong sabihin lahat ng importanteng bagay tungkol sayo.

Gusto kita,
Yun nalang ang maari kong sabihin,
Iba na kasi ang may karapatan ng salitang mahal kita.

Gusto parin kita.

Poems. Poetry.Where stories live. Discover now