Part 28 (Magulang)

396 12 4
                                    

#MAGULANG

25 na ako pero may curfew parin ako sa bahay.

Kapag inabot ako ng alas-otso sa labas, beastmode na sila mama at papa.

Para bang wala akong karapatang mag-liwaliw.

Palaging sinasabi ng mga kaibigan ko, "Jusko! 25 ka na. Pinagbabawalan ka parin?"

Naiinggit ako sa mga kaibigan ko na wala na sila sa anino ng mga magulang nila.

Yung tiwala na yung parents nila na kaya na nila ang mga sarili nila kasi siyempre, nasa twenties na kami. Graduate na kami.

One time nag-away kami ni papa.

Ayaw akong payagan pumunta sa birthday party ng kaibigan ko.

Naiiyak na ako nun kasi nakabihis na 'ko tapos di ako papayagan.

Inis na inis ako. Nasagot ko siya, "Anong akala niyo ba saken, 10 years old na mangmang? 25 na po ako! Hayaan niyo naman akong mabuhay para sa sarili ko!"

Natahimik si papa.

"Bakit? Kapag ba twenty five ka na, hindi ka na namin anak? Kapag ba 25 na, bawal na kaming mag-alala?" sagot ni papa.

Lalo akong naiyak. Naguilty.

Nag-usap kami. Nag open-up ako tungkol sa pagiging sobrang strikto nila sakin.

Pinaliwanag ko lahat ng saloobin at hinanakit ko sa kanila, at naintindihan naman nila.

Hindi na sila tulad ng dati na galit na galit kapag late akong nakakauwi.

"Sorry kung naging selfish kami. Hindi namin naisip na malaki ka na at kaya mo na ang sarili mo. Hindi namin naisip na may sarili karing buhay na dapat mong i-enjoy", sabi nila.

Ngayon, gusto nalang nila ay yung palagi ko silang iu-update kung nasaan ako, anong ginagawa ko, sinong mga kasama ko.

At wala namang problema dun. Ganon lang pala yun. Imbis na itago mo yung mga hinanakit mo sa kanila, kailangan mong ipaliwanag para malaman nila yung saloobin mo.

Para maintindihan ka nila.

Naalala niyo ba nung mga bata tayo?

Halos lahat sinasabi natin sa kanila.

Lahat ng nangyayari satin araw-araw sa school, lahat ng sikreto natin, lahat ng emosyon.

Hindi dapat magbago yun. Magulang natin sila, hindi kaaway.

Sila rin yung magiging kakampi natin sa oras ng kagipitan.

Kaya wag kang mahihiya na ipaliwanag sa kanila yung mga pinagdadaanan niyo ngayon, tiwala lang.

Maiintindihan ka nila.





What can you say???


Vote and Comment GUYS!!

FOLLOW ME....

Enjoy Reading....

Confession  [COMPILATION] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon