“Pag-ibig”
Magkaibigan kami, sobrang close. Nagkakilala sa work, nasasakyan namin trip ng sa isa’t isa. Partner sa kulitan, baliwan, hugutan. Basta, Buddies sa lahat. Kahit hirap na hirap na kami sa trabaho at stress na stress nagagawa pa naming tumawa ng tumawa.
“POSITIVE” “OPTIMISTIC”, yan ang pinaka common naming dal’wa. Nakakatuwa makakilala ng isang tao na parehas mo ng ugali.
At dahil nasanay akong masiyahin kami parehas (kahit punong puno talaga ng drama sa real life ang buhay namin), hindi ko na maitago ngayon yung kalungkutan ko para sa nangyayari sa buhay niya.
I’m 20, single. Siya, 33 years old, married with two kids.
Btw, babae kami parehas, sinasabi ko sainyo, hindi kami magkarelasyon! Hahaha wag TH!
Parang ate, nanay at bestfriend ko siya
Back to the story. Matagal na silang kasal. 11 years, kung hindi ako nagkakamali. 11 years old na din yung panganay na anak nila at 6years old naman yung bunso niya.
Nagkaproblema siya. Yup, SIYA. Nagkaroon siya ng “kabit”, kung yun man ang tawag dun. Nainlove siya sa workmate namin. Na fall out of love sa asawa niya. Yun ang pinakamasakit na katotohanan na kahit ako hindi makapaniwalang nagawa niya..
Nung gabing lumayas siya sa bahay nila ng asawa niya, naiwan yung dalawang anak niya, at nag leave in sila nung workmate namin. Nagulat na lang ako kasi ni hindi siya macontact ng halos isang bwan.. at bigla na lang bumalik na nag explain na may iba na siya.
Ngayon, pumapasok na ulit siya. Pero nasasaktan ako para sa kanya dahil may balak yung asawa niya na sampahan siya ng kaso, at ang masakit tinanggalan siya ng karapatan sa mga anak niya plus bnbrain wash pa. kaya bnlock siya through social media nung eldest child niya at ayaw kausapin.
Nakikita ko siyang umiiyak, at minsan hinahug ako at sinasabing “Miss na miss ko na mga anak ko, kung karma man to sobrang sakit”:’(
Admittedly, kasalanan niya. Naging selfish siya, alam niya sa sarili niya yun. At eto yung kapalit ng mga desisyon niya na ginawa niya dahil hindi pinagisipan.
Kasal siya, may anak. Pero mahal niya yung ka lalaki, sobra, na nagawa niyang iwan lahat para sa lalaking yun (mahal din naman po siya ng lalaki)
Kinausap niya yung ex/asawa niya, nakikiusap siya na makasama mga anak niya pero ang sabi “bumalik ka sa bahay, samahan mo at palakihan mga bata, ako ang aalis.”
Pero hindi niya maiwan yung lalaki since mahal niya at isa pa, may sakit (di ko na po babanggitin kung ano ang sakit, pero hindi po simpleng sakit lang)As her closest friend, hindi ko naman itotolerate yung mga kalokohan niya, pero wala.. wala akong magagawa. Hindi ako siya. Kahit anong sabihin ko, sakanya pa din ang desisyon.
Hindi ko siya iiwan, dahil kaibigan niya ako, at alam ko kung anong sakit yung nararamdaman niya. At kahit pa lahat ng tao against at galit sakanya. Eto lang masasabi ko “Una sa lahat wala kayong alam, pangalawa wala kayong pakialam.”Hay Pag ibig..
Isa kang palaisipan.Ano nga ba talagang kaya mong gawin sa isang tao? Ganun nga ba? Susugal ka sa mga di sigurado? Kahit wala ng matira? Kahit masakit?
Nag fefade ka ba talaga? Kahit matagal na at marami ng pinagsamahan?
Nawawala nga ba at napapalitan?
Hindi ko talaga alam.
Tila ang pag ibig na tinatawag ay dapat ko ng katakutan?
Pero.. I always believed that this is the real definition of love;
1 Corinthians 13:4-8♡
♡
♡
♡
♡What can you say???
♡
♡
♡Vote and Comment GUYS!!FOLLOW ME....
Enjoy Reading....
BINABASA MO ANG
Confession [COMPILATION]
De TodoDifferent Confession I'm going to Put in her Broken Hearted Happy Ending ETC... Gathered some information All around the GLOBE Read and Enjoy ALL RIGTHS RESERVED 2016