*sobs*
Unico Hijo siya sa family nila, kaya naman yung mama niya sobra siyang alagaan. 22 na siya, graduate na, pero kung ituring siya ng mama niya parang grade school student na hindi marunong mag-isip mag-isa.
Ayaw sakin ng mama niya at yun ang punto ng post na 'to. Ayaw niya sakin kasi hindi raw ako good enough para sa anak niya. Kapag kasama namin si Andrew (boyfriend) ko, ang bait bait ng mama niya sakin, pero kapag umalis o may kinuha lang sa kwarto si Andrew, tinatarayan na ako. Tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Nagdadabog. Nagpaparinig. Tinatry ko naman mapa-lapit sa mama niya.
Nagdadala pa ako sa bahay nila ng pancit na paborito raw ng mama niya, pero nakita ko pinapakain lang nung mama niya sa maid nila. Hindi ko alam kung ano pa bang dapat kong gawin. Three years na kami, three years ko na ring ginagawa ang lahat para maging okay ako sa mama niya. Pilit kong iniintindi yung sitwasyon na baka ayaw sakin kasi ayaw ng mama niyang mapa-layo sa nag-iisa niyang anak, na baka ang tingin sakin kakumpitensya.
Pero ewan ko. Ewan ko kung ipagpapatuloy ko pa ba kasi baka kahit magpakasal kami tapos ganun parin ako itrato ng mama niya, baka pagsisihan ko lang habambuhay. :((((
♡
♡
♡
♡What can you say???
♡
♡
♡Vote and Comment GUYS!!FOLLOW ME....
Enjoy Reading....
BINABASA MO ANG
Confession [COMPILATION]
RandomDifferent Confession I'm going to Put in her Broken Hearted Happy Ending ETC... Gathered some information All around the GLOBE Read and Enjoy ALL RIGTHS RESERVED 2016