Verbal Abuse"Ako lang ba yung nakakaranas ng verbal abuse sa relationship? Yung mga masasakit na salitang sa taong mahal mo pa mismo manggagaling? Mga mura, mga panlalait, na never mo pang natanggap sa buong buhay mo. Yung kahit durog na durog na yung pagkatao mo hindi mo magawang mang-iwan?
Yung kahit gusto mong kalimutan nalang na nasabi niya yun hindi mo magawa kasi nakatatak na sa isip mo. Minsan, gumagawa ka nalang ng rason para sa sarili mo na nasabi niya lang yun kasi galit siya -- pero alam mo sa sarili mong napaka-unreasonable pa rin na sabihin niya sayo yun at saktan ka niya ng gano'n.
Pero wala eh. Mahal mo eh.
Hanggang sa yung mga panlalait at mga murang natatanggap mo galing sa kaniya, makakasanayan mo nalang.
Lahat siguro ng masasakit na salitang naimbento, narinig ko nang lahat sa kaniya, pero hindi naging dahilan yun para iwanan ko siya. Nung una nakakaiyak, pero habang tumatagal naka-sanayan ko nalang. Dumating na nga sa point na, umo-oo nalang ako eh para inisin siya.
Papangunahan ko na siyang sabihan ang sarili ko ng, BOBO, TANGA, P*TANG INA KO, GAGO AKO. Mga ganun. Hehehe. Sirang-sira pagkatao ko nun. Hanggang sa isang araw, natauhan ako na mali.
Mali nang makisama sa taong hindi ka kayang i-respeto. Mali nang makisama sa taong hindi man lang maisip kung ano ang mararamdaman mo sa mga insensitive na pananalita nila. Galit siya? Pagod? Acceptable reason ba yun para manakit?
Hindi naman dapat ikaw ang mag-adjust para sa kaniya na, "okay, makakasanayan ko rin yang mga pagmumura at pananakit niya" "galit lang siya". MALI.
Siya dapat ang mag-adjust na ayusin niya ang sarili niya. Siya dapat ang mag-adjust na kontrolin niya ng maayos ang emosyon niya, at itrato ka niya ng tama. Kung mahal ka niyan, willing naman magbago yan eh.
Bes, wag mong hayaan na sirain ng kahit na sino ang pagkatao mo at respeto mo para sa sarili mo."
¥
¥
¥
¥
¥What can you say???
¥
¥
¥
¥
¥Follow Me....Vote and Comment GUYS!!!
HAPPY READING....
BINABASA MO ANG
Confession [COMPILATION]
De TodoDifferent Confession I'm going to Put in her Broken Hearted Happy Ending ETC... Gathered some information All around the GLOBE Read and Enjoy ALL RIGTHS RESERVED 2016