Kinaumagahan. Klasi nanaman at ito medyo busy para sa graduation, maraming gawain kaya hindi na kami masyadong nagkakasamang apat, kaya magkikita kaming mamayang gabi. At mag gi girls night out bonding na rin. Ilang buwang nalang gragraduate na kami. Time so fast. Parang kaylan lang, tapos parang panliligaw lang ni jerome. Hindi ko talaga ine expect na dadating siya sa buhay ko at maging parti siya nito.
Din? Hindi kita masusundo mamaya ha, pero punta kayo sa revel ha. Tutugtug ako mamaya eh kaya medyo busy pero gagawa ako ng paraan ok?" Text niya.
Naiintindihan ko naman yun. Kaya sinabi ko na sa kanya.
10:30am-12:30 class hours na!! Ahhh! Kaloka.
After ng klasi 12:30 sakto mamananghalian sana kami ni kim kasi sina kristine at shey mi pasok pa at busy na ang lahat. Papuntang cafeteria kami at umorder ng makakain, naiwan ako sa upuan si kim nag order na. Nagulat ako ng may kumanta sa gilid ng tenga ko.
Walang sagot sa tanong, kung bakit ka mahalaga walang papantay sayo...
Paglingon ko..its jerome! Na may dalang krispy kreme na 2box. Para kanino? Ang assumera ko namang pag sabihin kong sakin lahat no?
"Oh! Bakit ka nandito? Akala ko ba busy ka?" Tanong ko.
"Ito naman parang hindi masaya na nandito ako, busy nga pero gumawa ako ng paraan para makita ka" sabay pout.
"Masaya ako, nagulat lang kasi. " sabi ko sabay kurot sa kanyang tagiliran.
"Asus ooh para sa yo at para narin kina kim" sabi niya habang binibigay sakin ang dalawang box.
"Para samin?! Huwaaaa! Jerome! Napaka sweet mo talaga at ang bait bait pa! Thankyou ang sarap kaya nito!" Sabi ni kim habang hinihimas ang kamay ni jerome.
"Ikaw kim ha!" Sabi ko.
"Hahaha nako ok lang yan. Oo kim sa inyo talaga yan." Sagot ni jerome.
"Sus kain tayo. Kain kana?" Sabi ko kay jerome.
"Done lunch nako. Kain na diyan by the way i need to go mabilis lang kasi ako kasi may pasok pako ingat ka ha, kain ha at see you later? Text mo ako ok?" Sabi niya sabay halik sa noo ko.
"Ahhhhh ang sweet naman teh?! Langgam you want?" Sabi ni kim. Sira ulo talaga.
Yun umalis na si jerome. Grabe effort niya ha! Pumunta pa talaga siya sa university namin para makita at mabigay nya to sakin. Hayyy! Siya na talaga!
Matapos naming kumain, 3-5:30 pm. Class hours naaaa! Ahhh! Ang daming projects buti na nga lang yung thesis naman tapos na nung third year pa kami so ngayon projects nalang.
Matapos ang klasi agad akong umuwi para magshower at magbihis dahil sa usapan naming aalis kami.
Pagdating ko ng bahay. Nadatnan ko na naman si niko sa computer.
"Niko aral muna bago laro" sabi ko habang umaakyat papuntang kwarto.
"Ok te mamaya" sagot niya.
Maya. Maya natapos narin ako sa pag shoshower.
"Ate! Si ate kim at shey nandito" sigaw ni niko.
Dali dali akong bumaba.
7pm palamang ah?
"Din! Dito na kami mag hapunan" sabi ng dalawa. Kaya inutosan ko si ate laura na mag handa ng makakaing hapunan.
"Isama mo kaya tong si niko" sabi ni kim.
"Gaga! 17 years old palang yan no?! Diba din? "Sabi ni shey.
YOU ARE READING
Til i met him
Novela JuvenilI tell myself I'll never fall in love again But then HE comes around and suddenly i understand That i have never really been in love before...