Unang lumabas kanina sa stage si Seungkwan. Sobrang daming sumigaw nung siya yung lumabas. Hindi talaga namin yun ine-expect gosh. Tapos yung boses niya pa. Shet ayoko na huhu may mingyu pa ako mga bes :c
Ay ito na nga, madami nanaman akong nakuhang pictures ni mingyu. Oras ko naman para magpost ng previews niya para sa mga kapwa kong carats.
"Bes, nakakapagod maglagay ng watermarks sa pictures." Sabi ni Jae sa akin. Hays, sobra talagang nakakapagod. Kung pwede nga lang na hindi na maglagay kaso hindi pwede baka kasi may mang-angkin ng litrato na gawa ko.
"Oo nga eh pero kaya natin ito para na din ito kila mingyu." Sabi ko sakanya. Tumango naman siya at nagpatuloy na sa kakalagay ng watermark.
17 people retweet your tweet.
Sunod sunod yung mga notification sa phone ko. Sa una nakakainis pero sanay na ako ngayon.
Palagi kong nakikita yung mga pictures na kinuha ko sa mga fanbase.
"Grabe ka Aze, sikat na sikat ka na fansite master ni Mingyu."
"Ano naman kung sikat Jae? Hindi naman ako Famewhore."
"Ibig sabihin lang nun Aze, kilala ng mga fans ni Mingyu." Sabi niya. Malamang Jae, alam ko yun. Eh si Mingyu kilala ba ako? Tsk.
"Alam ko na yan Jae."
"Bes may napapansin ako kay Mingyu." Sabi niya habang nagce-cellphone.
"Ano nanaman yan?"
"Kilala ka niya siguro." What? Kilala niya ako? Malabong mangyari yun.
"Hindi niya ako kilala Jae. Impossible." Sabi ko sakanya. Totoo naman, tuwing nakikita ko siya habang kumukuha ako ng picture sa camera ko lang naman palagi siyang nakatingin hindi sa akin.
Kuntento na ako sa ganun.
"Malay mo iniistalk ka niya."
"Paano niya naman ako maiistalk Jae?" Tanong ko sakanya.
"Ewan ko? Basta feeling ko kilala ka niya talaga eh." Ang gulo ni Jae -_- Hindi ko siya maintindihan sa mga sinasabi niya.
Ang weird tuloy intindihin.
💐💐💐
| a/n: sorry kung maikli lang yung chapter huhuhu. Babawi nalang ako next time :> |
TheFearLessB
BINABASA MO ANG
Fansitenim | Mingyu
Fanfiction❝ I always capture the best of you. ❞ -Svt_Insomnia © Thefearlessb