The cease fire

425 10 1
                                    

"Hey, Andrew, kasama mo ba 'yung Lorraine bukas?'' tanong ni Lexus na puno ng kuryosidad.

"Siyempre naman.'' Pagmamalaking wika niya.

"Good! I want to meet her.'' Excited na wika naman ni Dexter.

"Makikita mo rin siya bukas.''

"Ipakilala mo na rin ako.'' Siniko pa nito si Andrew.

"Wag na. Sapat na ang makita mo siya.''

"Damot mo naman. Di mo naman girlfriend pero kung makabakod ka sa kanya dinaig mo pa ang isang over-possessive na boyfriend.'' Tinapik ni Dexter ang balikat ni Drew.

"I'm just protecting you from any form of danger. Bigla-bigla kasi siyang nananakmal kapag nakakakita ng mga kasamahan sa Kingdom Animalia.'' Biro nito.

"Ganun siya ka-aggressive, Pare?'' hindi makapaniwalang tanong nito.

"Oo, Pare, believe me. Isa ako sa mga nakatikim ng bangis niya.'' -Andrew

"Talaga? So ibig sabihin eh magkauri kayo sa Kingdom Animalia. Tell me, alin ka dun?'' -Rick

"H-huh? Naku hindi ah. Napagkamalan lang niya ako. Sa gwapo kong ito, mapapabilang sa uri n'yo? Imposible.'' -Andrew

Nagkatawana na silang tatlo.

*Kinabukasan*

"Ready?'' tanong ni Andrew kay Lorraine.

"Yeah.'' Napatanga naman si Andrew ng makita si Lorraine.

She looks very beautiful in her light pink casual dress. Sinong mag-aakala na isa siyang business woman? MAs bagay yata dito ang maging modelo o di kaya'y artista.

Lalong nakadadag sa ganda niya ang mga ngiting madalang kung makita.

"Mr. Zaragosa, isara mo nga yan.'' Hinawakan ni Lorraine ang baba ni Andrew upang isara ang nakaawang na bibig nito.

"Baka kasi mamaya eh tumulo yang laway mo. Kawawa naman kung may madudulas at madisgrasya.''-Lorraine.

"Ah-'' tila natauhang wika ni Andrew.

"So, let's go?'' -Andrew

Niyaya na siya ni Andrew na umalis. Inilahad pa nito ang sariling braso para alalayan siya.

"May alalay ban a ganito?'' puna ni Lorraine.

"Wala. Ikaw pa lang.'' Biro nito sabay kuha sa braso ni Lorraine at saka ikinawit sa braso niya.

Iginiya siya ni Andrew sa kotse. Pinagbukas pa talaga siya ng pintuan sa front seat.

Saka sumibad patungo sa venue ng launching.

"We're here.'' Sabi nito sa kanya.

Una itong bumaba ng sasakyan at pinagbuksan siya. Inalalayan pa siya nitong makababa.

Aba may itinatago pala itong kabaitan.

Sabay nilang tinungo ang reserved venue. Pagkapasok nila halos lahat ng atensyon ay nabaling sa kanila.

"Behave ka lang.''-Andrew

Napapiksi siya ng maeamdaman niya ang paglapat ng mga labi ni Andrew sa tenga niya.

When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon