Chapter7

351 5 0
                                    

CHAPTER SEVEN:

Kumuha siya ng isang bote ng alak na nasa stock room sa loob ng opisina niya. Sinimsim niya ang alak na nakasalin na sa wine glass. Napangiwi siya ng maramdaman ang pagguhit ng pait at init ng alak sa kanyang lalamunan.

This is her way of relaxing her tensed nerves.

After several minutes, narinig niyang nagring ang telepono sa mesa ng kanyang sekretarya.

Gaya ng inaasahan si Andrew ang tumatawag sa opisina.

****

“Hello, this is CGC Company, Presiddent’s office, how may I help you?’’ bungad ng sekretarya ni Lorraine sa kanya.

“Is Lorraine in her office today?’’ tanong niya rito.

“No, Sir. She’s been out for the last three days.’’

Nanlumo siya nang malaman na wala si Lorraine sa opisina nito.

Saan kaya nagpunta ang babaeng yun? Gusto sana niyang ipaliwanag dito ang mga nakita nito kanina.

“Thank you.’’ Nanghihinayang na sabi niya saka ibinaba ang receiver ng telepono.

What have I done?

Sa mga panahong ganito, isa lang ang pwede niyang puntahan—Ang Isla Caceres. Doon muna siya magpapalipas ng gabi para makapag-isip-isip.

******

“What’s up, Drew?’’ bati sa kanya ni Terrence, ang sle owner ng Isla at founder ng kanilang samahan.

“Nothin’ new, Terrence.’’

“Owww… bad to hear that, huh.’’

Hindi siya nagsalita.

“C’mon. Narito ang iba, join ka sa amin.’’anyaya nito sa kanya. Sa Clubhouse sila nagtungo. Gaya ng sabi ni Terrence naroon nga ang ibang Jovial Boys, nagkakatipon-tipon.

“Ano bang meron at narito kayo?’’ nagtatakang tanong niya. Kalimitan kasi eh mga wala ang mga ito sa isla dahil sa kani-kanilang mga negosyo at trabaho sa Maynila.

“Heto, dinadamayan si Lexus.’’ Si Rick ang sumagot.

“Bakit?’’

“BH ehh.’’—Mike

“BH?”

“Ayyy! Slow ka nga pala, BH means broken-hearted. Tssskkk.’’

“Ano naman ang drama ng isang yan?’’

“Ayun, nalaman na ang pinakaaantay niyang childhood sweetheart ay may boyfriend na.’’—Jake

“Kawawa ka naman pala.’’ Pakikiramay niya rito.

“Sinabi mo pa. Ikaw baKit ka napadpad dito?’’

“Wala, nagpapahangin lang.’’

“There you are, Andrew-boy!’’ bati sa kanya ng bagong dating na si Dexter.

“Pasensya na Pare sa pagsira ko sa pisngi mo nung nakaraan.’’ Paghingi niya ng aumanhin sa ginawa niyang pagsuntok dito noong nakaraang gabi sa party.

When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon