Mukhang wala na siyang magagawa kundi ang magmakaawa sa harap ng lalaking ito. Lulunukin na niya ang pinakamamahal niyang pride para sa kanyang Papa.
"I'll do everything para pumayag ka lang. I badly needed this para hindi ko ma-disappoint si Papa.'' Hinawakan pa niya ang braso ng binata para mas convincing ang pagmamakaawa niya.
Nagulat naman si Andrew sa ginawa niya. He never expected na gagawin ni Lorraine iyon. Tinitigan ni Andrew ang mukha ng dalaga. Mababakas sa mukha nito ang determinasyon. May kung anong pakiramdam ang humaplos sa puso niya. Gusto sana niyang yakapin ang dalaga pero hindi maaari . Pero sa huli ay napalambot ni Lorraine ang puso niya.
"Ok. Gagawin mo ang lahat ng gusto ko simula ngayon.''
Nagliwanag ang ekspresyon ng mukha ni Lorraine. Inalis na nito ang pagkakahawak sa braso ni Andrew.
"S-salamat.''
"You can start now.''
"Anong gagawin ko?''
Nag-isip sandali si Andrew. Ano nga ba ang pwede niyang ipagawa sa babaeng ito? Aha!
"Ikaw ang Mgiging secretary ko ngayon habang on-leave si Mrs. Barromeo.''
"Paano si Lian?''
"Hmm, well, tatapusin ko na ang penalty niya ngayon.''
Tinungo ni Andrew ang cubicle ni Lian. Sinundan naman siya ni Lorraine.
"Lian,'' tawag nito sa kapatid.
"Yes, Kuya? May kailangan ka?''
"Wala naman. Pwede ka ng umuwi.''
"Madami pa akong kailangang tapusin.''
"Tinatapos ko na ang penalty mo.''
"Talaga, Kuya?!''
"Oo.''
"Salamat. I love you, Kuya.'' Napayakap pa ito sa kapatid saka dali-daling kinuha ang mga gamit sa ibabaw ng mesa at parang kidlat sa sobrang bilis na nilisan ang opisina ng kapatid.
"Dyan ka magtatrabaho.'' Turo ni Andrew sa cubicle na nilisan ni Lian.
"Anong ipapagawa mo sa akin?'' tanong ni Lorraine.
"Tapusin mo na muna ang mga papeles na nandyan.'' Iyon lang ang isnabi nito at tinalikuran na siya.
Tinawagan na muna niya ang kanyang secretary upang ipaalam na hindi siya makakapasok ngayon sa opisina bago niya sinimulan ang ipinagagawa ni Andrew.
Halos tatlong oras na siyang nagtatrabaho. Hindi man lang niya namamalayang tanghali na pala. Hinimas-himas niya ang kanyang nananakit na batok. Simula kanina ay hindi pa lumalabas ng opisina si Andrew.
"Aba, at balak pa yata nitong magpakamatay ssa gutom.'' Bulong niya sa sarili.
Hindi siya makalabas ng opisina para mananghalian kasi baka may iutos ang lalaking iyon sa kanya. Tinuon na lang niya ang kanyang atensyon sa ginagawa.
"Hindi ka pa kumakain?'' nagitla siya nang marinig ang tinig na iyon. Basta-basta na lang kasing nagsalita.
"Hindi pa baka kasi may iutos ka pa.'' Pormal na wika niya.
BINABASA MO ANG
When Love and Hate Collide
Romance~Jovial Boys Republic Series~ Book 2 Si Lorraine ay isang babaeng PALABAN at WAIS. Gagawin niya ang lahat ma-impress lamang ang kanyang ama kahit pa magmukha siyang t*nga sa pagmamakaawa sa harap ni Andrew Zaragosa--ang kanyang kaaway--para lang pi...