Chapter One
"CANCEL all my appointments for today.'' Utos ni Andrew sa kanyang sekretarya.
"Pero, Sir--'' nag-aalangan na wika nito. Pinagkahirap-hirapan pa naman nito ang pag-aayos ng schedule ng kanyang boss 'tapos ay ipapa- cancel lamang nito.
"Just follow my orders.'' Maawtoridad na sabi nito.
"Ok, Sir.'' Napipilitang pagsang-ayon ng sekretarya. Nilisan na nito ang opisinang iyon.
Naiwanang nag-iisa si Andrew. Pinagmasdan nito ang kabuuan ng kanyang opisina. Malawak iyon at punong-puno ng mga paintings na nakasabit sa ding-ding. Pinasadya pa nito lahat ng mga iyon sa iba't-ibang kilalang painter.
Tumayo siya mula sa kinauupuan at tinungo ang harap ng glass window sa kanyang opisina. Mula roon ay tinanaw niya ang tanawin sa labas. Kitang-kitang mula roon ang mga taon labas-pasok sa isang coffee shop sa tapat ng building niya. Nang magsawa siya sa pagtanaw, nailing na muli siyang naupo sa swivel chair.
Hanggang ngayon ay hindi nito lubos maisip kung ano ang dahilan ng mga investors sa pagdadalawang-isip na pirmahan ang deal na ini-o-offer niya. He is already 28 years old at masasabi niyang malayo na ang kanyang narating bilang isang negosyante. Halos lahat ng deal nito ay madali nitong nakukuha. Sa katunayan, isa ito sa kinikilalang pinakabata at pinakamahusay na negosyante.
Kaya ngayon ay naiinis siya dahil sa naudlot na deal na iyon sa mga demanding na investors. Pakiramdam tuloy nito ay balewala lahat ng kanyang pinaghirapan. Siguradong pagtatawanan siya ng kanyang mga kaibigan kapag nalaman ng mga ito na hindi niya nakuha ang pinagmamalaki niyang deal. Palibhasa'y ang taas ng kanyang tingin sa sarili kaya ayaw niyang matatapakan o mapapahiya man lang ang kanyang pride.
Kinuha nito ang cellphone sa bulsa ng suot na suite at idinayal ang numero ng kanyang partner in crime-si Markee.
"Hello, Pare. Busy ka ba?'' agad na pasimula ni Andrew.
"Yeah. Hectic ang sched ko ngayon. Bakit?''
"Cancel it.'' Mala-haring uots niya sa kaibigan. Daig pa nito ang isang boss kung makapag-utos.
"Huh? Hindi pwede. Importante lahat 'yon, no.''
"Lahat naman ng bagay, importante sa'yo. Sige na, i-cancel mo na para sa kawawa mong bestfriend.'' Nagpa-awa factor pa ito para lang makumbinsi ang kaibigan.
"Ano naman ang drama mo?''
"Basta. Saka ko na lang iku-kwento sa iyo. Basta sa dating lugar pa rin.''
BINABASA MO ANG
When Love and Hate Collide
Romansa~Jovial Boys Republic Series~ Book 2 Si Lorraine ay isang babaeng PALABAN at WAIS. Gagawin niya ang lahat ma-impress lamang ang kanyang ama kahit pa magmukha siyang t*nga sa pagmamakaawa sa harap ni Andrew Zaragosa--ang kanyang kaaway--para lang pi...