Chapter 8

374 6 0
                                    

Chapter Eight

 

“Aray!” Sapo-sapo niLorraine ang kanyang noo. Masama kasi ang pakiramdam niya. Mukhang tatrangkasuhin pa yata siya ngayon.

“Wrong timing naman oh.’’ Sabi niya sa sarili.

“Bakit ngayon pa kung kelan may kailangan akong tapusin sa Andrew na yun!’’

 

Masama man ang pakiramdam niya, wala siyang magagaw kundi ang samahan ang Andrew na iyon sa charity chuchu na yun. Nag-apply na lang siya ng light make-up para hindi mahalata ang pamumutla niya.

“Are you ready?’’ bungad sa kanya ni Andrew.

“Y-yes.’’ Matamlay na sagot niya. Kung hindi lang importante ang lakad niya, mas gugustuhin pa niyang mahiga maghapon sakama niya. Kaso, ang pinaghirapan niyang deal ang nakataya dito kaya kahit masama ang pakiramdam niya, mas pinili niyang samahan ito.

“Let’s go.” Inalalayan siya nitong makalabas ng bahay nila. Hindi maalis sa mkha ng binata ang ngiti.

“Hey… wag mo nga akong pagmasdan.’’ Baling ni Andrew sa kanya nang mapansin nito na kanina pa siya nakatingin sa mukha nito. Nakasakay na sila ngayon sa sasakyan ng binata.

“Assuming ka. FYI lang, hindi kita pinagmamasdan.’’

 

“Kung hindi mo ako pinagmamasdan, ano ang tawag mo sa ginawa mo kanina?’’

 

“Ewan ko sa’yo. Magmaneho ka na lang.’’

 

“Sure. Basta wag mo akong tititigan ng ganoon. Sige ka baka maakit ako sa;yo, malalahian ka ng gwapo.’’

 

 

“Haha…(sarcastic) Wala ako sa mood na makipag-asaran sa iyo.”

 

“Ayy… lowbat ang lola.’’

 

Hindi na muling nagsalita siLorraine. Ayaw na niyang pahabain pa ang usapan nila ng bakulaw na ito. Paano ba naman eh sa tuwing magsasalita ang binata ay ayaw bumalik sa normal ang pintig ng puso niya.

[Ganyan talaga kapag hindi tao ang kasama mo…] bulong niya sa sarili.

 

 

Ilang sandal pa’y katahimikan ang namayani sa pagitan nila. Walang nagsasalita. At hindi siya sanay sa ganoon. Kapag kasama kasi niya ito, napakadaldal ng binata. Nanibago tuloy siya.

“Bakit kailangan na ikaw pa ang representative ng JBR para sa charity event na yun.’’ Basag niya sa katahimikan.

When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon