****
Nang gabi ring iyon, ibinagsak ni Andrew ang katawan niya sa kama. Napasarap ang inuman nila kaya ngayon lang siya nakapagpahinga. Ipipikit n asana niya ang kanyang mga mata nang biglang magring ang cellphone niya. Kunot-noong sinagot niya ang tawag.
“Hello.’’ Naiinis na sabi niya sa taong nasa kabilang linya.
“Hello po, Sir, may babae pong nagpunta rito, hinahanap kayo.’’ Sabi ng katulong niya.
Babae? Sino naman kayang babae ang pupunta sa bahay niya ng ganitong oras ng gabi? Wala siyang maalala na babaeng sasadyain siya sa bahay. He’s address is very private. Mga pinakakatiwalaang tao lamang ang nakakaalam niyon.
“Sino raw ho?’’
“Lorraine Chavez raw po.’’
Napabangon naman siya mula sa pakakahiga nang marinig ang pangalan ng dalaga.
“Ano raw ho ang sadya niya?’’ Puno ng kuryosidad na tanong niya.
“May ipinaabot lang po na brown envelop.’’
“Ah ganoon po ba. Pakipatong na lang po sa mesa ko sa loob ng kwarto ko.’’
“Sige po, Sir.’’
Dismayadong inihiga niya ang katawan sa kama. Akala pa naman niya ay iba ang sadya nito yun pala ay business pa rin ang habol nito. Agad niyang ipinikit ang kanyang mga mata upang matulog.
******
Titig na titig si Andrew sa kontratang hawak niya. Kung tutuusin ay maganda ang proposal na ipinakita nito sa kanya. pwedeng-pwede na nga niyang pirmahan iyon the day na in-offer ito ni Lorraine. Hindi niya maiintindihan ang sarili niya kung bakit pumasok sa isip niya na gawing sekretarya ito kapalit ng pirma niya.
Napangiti na lamng siya nang maalala niya ang una nilang pagkikita. It was a total chaos pero noon pa man ay attracted na siya rito. Hindi lang niya maamin noong una. Ngayon pagkatapos ng lahat ng mga nangyari, na-realize niyang there was something between them that connects him to her. But the question was, did she feel the same way, too?
Ipinilig na lamang niya ang kanyang ulo upang alisin ang mga isiping iyon. Ang kailnangn niyang gawin ngayon ay ang makapag-isip ng paraan kung paano niya mapapanatili sa tabi niya ang dalaga. Hanggang sa isang ideya ang naiisip niya.
*****
Hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan si Lorraine na animo’y may inaabangan. Kanina pa nagtataka ang kanyang sekretarya sa kanyang ikinikilos ang mapagod siya sa kakaparoo’t-parito, naupos iya sa swivel chair. Titig na titig siya sa orasan na nakapatong sa kanyang mesa. Mag-a-alas onse na pero wala pa ring kontrata ang dumadating sa opisina niya. Naiinip na siyan sa kakahintay.
“Mam…’’ Katok ni Lian sa pintuan ng opsina niya.
“Come in.’’
“May naghahanap po sa inyo.’’
“Let that person in.’’
“Sige po.’
Pinapasok ni Lian ang bisitang tinutukoy nito. Dire-diretso ang bisita niya sa pagpasok hanggang sa makarating ito sa harap niya at doon nito ibinagsak ng papel na hawak nito. Nagulat siya sa inasal nito kaya napatunghay siya.
“What does this mean?’’ kunot-noong tanong niya. Ibinalik niya rito ang papel.
“Di ba ito ang kailangan mo?’’
Si Andrew ang bisita niya ng araw na iyon. Isang pilyong ngiti ang sumilay sa mga labi nito. Itinaas pa nito ang papel na hawak.
“Anong gagawin ko riyan?? Ni wala ngang pirma?’’
“Pirma ko ba ang gusto mo?’’
“Malamang, Mr. Zaragosa, may iba pa ba?’’ She said in a very formal tone.
“Wala naman. Kung gusto mong makuha ang puso ko—”
“Pardon me?’’
“Este ang pirma ko, paghirapan mong makuha.’’
“Wala na akong dapat gawin. I’ve already finished my part. I did what you asked me to do kaya pirmahan mo na iyan. For God’s sake!’’
“Oh well, hindi pa tapos ang pinapagawa ko sa iyo. Ikaw itong basta-basta na lamang umayaw tapos bigla mo na lang iiwan itong kontrata ko sa bahay ko para pirmahan, aba’y hindi naman yata patas yun.’’
“It’s not me who’s unfair here. It’s you, Mr. Zaragosa.’’
“Why me? As far as I can remember ikaw ang nagsabi na, “I’LL DO ANYTHING JUST TO HAVE YOUR SIGN.’’”
“Enough! So what’s your point?’’
“You want me to sign this, right?’’
“Of course, yes!’’
“Work for me, then.’’
“Na naman? Is there anything I can do other than that?’’
“No work, no sign.’’
“Tsss! Fine! So what do you want me to do?’’
She has no choice but to agree with this man.
“I need someone to help me in one of our out-reach program.’’
“Hmm.. Let me guess,’’ parang nahuhulaan na niya ang gusto nitong mangyari.
“Ako ang malas na napili mo?’’
“Yes.’’ Nakangiting wika nito. “Ang galing mo talaga!’’ sabay pisil nito sa kanyang magkabilang pisngi.
“Aray! Ano ba!’’ hinampas niya ang kamay nito.
“So ano? Take it or have it?’’ He gave her a no way to escape nor to say no.
“What? Anong klaseng choice yan? I suppose to say leave it.’’
“Na. na. na. Walang option na ganyan. Why don’t you just take it so that you can have my signature?’’
“You leave me with no choice.’’
“Yan ang tinatawag na diskarte.’’
“Hindi diskarte ang tawag d’yan.’’
“Ano?’’
“Panggugulang!’’
“Alright! Kung ano man ang tawag doon. Basta sagutin mo ang tanong ko.’’
“Para namang may choice akong tumanggi.’’ Reklamo niya.
“So… it’s a yes?’’
“Malamang.’’
“Good! I’ll pick you up tomorrow 7 am.’’
Tumango na lamang siya. Lumabas na ito ng opisina niya. Naiwan siyang nakatulala.
Aba’t ang mokong ng yun! NAisahan ako! Hindi pa nakuntento sa ginawa ko. HMPFT! DEMANDING!
MAKIKITA MO! KAASAR! ARGH!
A/N
Hanggang dito muna po ang UD. Kailangan ko pang magreview kasi MDTERM EXAM na namin tomorrow… :D wala pa akong naaaral. Lagot ako neto. Hehe… Please bear with me.
BINABASA MO ANG
When Love and Hate Collide
Romance~Jovial Boys Republic Series~ Book 2 Si Lorraine ay isang babaeng PALABAN at WAIS. Gagawin niya ang lahat ma-impress lamang ang kanyang ama kahit pa magmukha siyang t*nga sa pagmamakaawa sa harap ni Andrew Zaragosa--ang kanyang kaaway--para lang pi...