Chapter Ten
Namangha si Andrew sa kabuuan ng silid ni Lorraine. Napaka cozy ng interior design. Maging ang mga color combination saktong-sakto sa personality ni Lorraine. Hindi gaanong femine ang dating.
Nahiga siya sa kama nito. Maging ang amoy ng unan nito, kakaiba. Kung hindi siya nagkakamali, ito ang pabango ng dalaga. Lalo tuloy niyana na-miss ito.
Dahil sa pagod ay nadala kaagad siya ng antok. Kiabukasan, maaga siyang naalimpungata. Ngayon ay may pagkakataon na siyang tingnan ang mga gamit ng dalaga. Isang painting ang nakatawag pansin sa kanya. portrait iyon ni L orraine . she looked like a true princess that came out of the writer’s imagination. Her smile is perfect, it melts the chain that covers his heart. She has the power over him and now he admits how he loves this woman!
“Andrew gising ka na pala.’’ Bungad ng ginang nag makita siya.
“Ah.. opo. Kakagising ko lang.’’
“Alam mo bang iyang ang pinakapaboritong portrait ni Lorraine.’’
“TAlaga ho? Sabagay napakaganda naman talaga niya sa portrait na yan.’’
“Sinabi mo pa. halika na sa dining room at nang makapag-almusal ka na.’’
“Sige po. Susunod na ako.’’
**************
“Ang sarap nyo pong magluto ng sinigang, tita. Paborito ko po ito.’’
“Talaga? Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, paborito rin to ni Lorraine.’’
“Pagdating pala sa pagkain may pagkakasunduan kami.’’
“Gusto mo ba siya, Kuya Andrew?’’ sabat ni Brenda.
“Ayos lang ba sa inyo kung oo?’’
“Aba siyempre, botong-boto ako sa iyo.’’
Napatawa na lang si Andrew sa sinabi ni Brenda. Mukhang hindi siya mahihirapang kunin ang loob ng pamilya ni Lorraine.
“Ipapakita ko sa iyo ang mga pictures ni Ate noong batang pa sya.’’
“Sige ba.’’
Pagkatapos nilang kumain, pinakita nga sa kanya ni Brenda ang mga larawan ni Lorraine noong bata pa lamang ito. Sa garden sila tumambay nito.
“Marunong palang mag-taekwondo ang Ate mo?’’ Tanong niya nang makita ang litrato nito na naka-taekwondo uniform.
“Oo kaya ingat ka sa kanya.’’
Naroon ang lahat ng larawan ni Lorraine. Mula pagka-baby hanggang maka-graduate ng college.
“BAkit hanggang college lang yung mga litrato niya?’’
“Eh kasi pagka-graduate niya nagpunta kaagad siya ng States.’’
“Ah nasabi nga yan ni Markee sa akin.’’
“Wag mong sasaktan ang ate ko huh?’’
“Oo naman. Kaso may problema eh.’’
“Ano?’’
“Ayaw niya akong kausapin, nagalit yata sa akin.’’
BINABASA MO ANG
When Love and Hate Collide
Romance~Jovial Boys Republic Series~ Book 2 Si Lorraine ay isang babaeng PALABAN at WAIS. Gagawin niya ang lahat ma-impress lamang ang kanyang ama kahit pa magmukha siyang t*nga sa pagmamakaawa sa harap ni Andrew Zaragosa--ang kanyang kaaway--para lang pi...