Chapter 3-4

394 6 0
                                    

Kinabukasan, sadyang inagahan ni Lorraine ang gising upang makapaghanda g husto sa pagkikita nila ni Mr. Zaragosa. She looked stunningly beautiful with her black business suit with matching high-heeled shoes. Kitang-kita ang makikinis niyang legs dahil sa suot niya above the knee skirt. She must look gorgeous in front of that man para hindi na siya mahirapan sa pakikipag-deal niya.

Sinipat niya ang sariling repleksyon sa harap ng salamin. Nang makuntento sa ayos niya, saka pa lamang siya lumabas ng kanyang silid. Dumiretso siya sa sining room para mag-almusal. Naroon ang kanya Mama at ang kanyang nakakabatang kapatid na si Brenda.

"You're so fabulous, hija.'' Bungad sa kanya ng kanyang Mama.

"Thanks, Mama. Mana lang ako sa inyo.''

"I'm pretty sure, hindi lang deal ang makukuha mo, Ate. Baka pati ang puso niya ipakontrata pa niya sa'yo.'' Singit naman ni Brenda sa usapan nilang mag-ina.

"Shut up, Brendz. Hindi siya ang ipinunta ko doon. Kompanya lang niya. Saka hindi ko magugustuhan ang isang tulad niya.''

Heto na naman silang magkapatid lagging nag-aasaran.

"Ows? Hindi mo pa nga nakikita umaayaw ka na kaagad. Baka ainin mo yang mga sinabi mo kapag nagkaharap na kayo.''

"Ewan ko sa'yo.''

"My friends always told me how gorgeous he is. Swerte mo nga raw kasi makakadaupang palad mo ang isang tulad niya na bihira lang likhain ng Diyos.''

"Ikaw talagang bata ka. Kung anu-ano ang natututunan mo sa mga kabarkada mo.''

"Ate, hindi na ako bata. I'm already seventeen.''

"Nasa teen age ka pa rin. Consider na bata pa rin yun. Ok?''

"Hmmpf.. Ah basta, i'm a lady already. Saka one year na lang naman at nasa right age na 'ko no.''

"Fine. Hindi ka na bata. So act like a mature one.''

"Sige. Pero kung manliligaw siya sa'yo sagutin mo kaagad, huh? Approve siya sa akin. Sige ka kapag nagpakiyeme-kyema ka mauunahan ka ng iba.'' Pahabol pa nito.

Pinamulahan naman ng mukha si Lorraine sa sinabing iyon ng kanyang makulit na kapatid.

" Kumain ka na lang.'' 

 "Ayee... Si Ate nag-blush.''

CHAPTER FOUR

Natutop ni Andrew ang kanyang noo. Nahihilo siya. Hang-over siguro kagabi. Napasabak kasi siya sa inuman kasama ang mga kaibigan. Pasado alas sais na ng umaga.

Naiiling-iling na tinungo niya ang banyo sa loob ng kanyang silid at naligo. Matapos maligo aynagbihis na siya at saka tinungo ang helipad na nasa loob ng isla at nagpahatid sa chopper pabalik ng Maynila.

Tinawagan muna niya ang kapatid upang ipaalam na male-late siya ng kaunti.

"Ok, Kuya.'' 

"Andiyan na ba siya?''

"Yes. Kanina pa. pinapasok ko na siya sa office mo.''

"Good, Lian. Maganda ba?''

"Ah basta. Mapapanganga ka!.'' Naputol bigla ang linya. Binabaan siya ng kapatid ng telepono.

When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon