Ikaw Lang

179 1 2
                                    

Mahal ko, mag-isa na naman ako

Nasaan na ba ang mga pangako mo?

Winikang 'di ako iiwan magpakailanman

Ngunit ngayon ikaw ay nasaan?

Ang tagal kong naghintay sa ating tagpuan

Umaasa sa iyong mga salitang binitiwan

Na tayo ay lalayo para sa ating pag-iibigan

Ngunit kahit anino mo ay 'di ko man lang nasilayan

Nadurog ang puso ko dahil ikaw'y pinaglaban

Kaya ngayon malala pa ako sa taong sugatan

'Di ko naisip na ganito pala ang aating magiging kapalaran

Ngunit 'di nawala pag-ibig ko sa'yo kahit lang minsan

Nang dahil sa'yo hindi na umibig pa

Natakot nang sobrang umibig sa iba

Ngunit kahit anong suklam sa'yo

Ikaw pa rin laman ng puso ko

Martir nga ang tawag sa'kin ng iba

Tanga raw ako dahil mahal pa rin kita

Wala na nga akong ginawa kundi kalimutan ka

Ngunit sa puso ko, ikaw pa rin sinta

Lumipas ang mga taong 'di ka malimutan

Bumabalik masasayang alaala ng ating nakaraan

Pero mayroong munting kirot akong nararamdaman

Dahil ba 'di ka tumupad sa ating usapan?

Ngayong nakatakda na ang aking kamatayan

Tanging sambit pa rin ng labi'y iyong pangalan

At inaasam kahit sa huling hininga ng aking buhay

Mamasdan muli ang kagandahan mong taglay

Pag-iibigan nating hindi nabigyan ng magandang wakas

Ngunit sa mga mata ko, pag-ibig ay mayroon pa ring bakas

Kahit kamatayan na ang aking kaharap

'Di ka nawala sa puso ko kahit isang kurap 

Ikaw LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon