CHAPTER 6
Death
ON their flight back to Manila, Raffy felt that there's something wrong with Monique. Halos ayaw siyang kibuin nito. And during their entire stay in Davao City, she was always not feeling well.
Sa pangalawang araw nila doon, napansin niya na parang iba ng tingin ni Michael sa kanyang nobya. Masyado rin itong attentive kay Monique. Pero binalewala niya lang iyon sapagkat malaki ang kanyang tiwala kay Monique. She has this vow of chastity and he believes and trusts her with all his heart. Besides, alam niyang hindi magagawa ni Monique na pagtaksilan siya.
Baka naman pagod lang talaga ito at wala sa mood na makipagkulitan. That is why as soon as they landed, he told her to rest and freshen up a bit for he will fetch her later and they will dine out.
Pagkaalis niya sa condo unit nito ay umuwi naman siya sa kanyang unit. Bago pumunta sa kanyang roon ay dumaan muna siya sa showroom at reception area at kinamusta ang kanyang mga empleyado. Tinawagan niya rin si Michael at kinamusta. Sinabi niya rito na nakarating na sila.
Nagpasya siyang magpahinga muna tutal may ilang oras pa siya bago sunduin si Monique. Pagkalipas ng isa at kalahating oras, tinawagan niya ito upang i-check kung ready na ito para sa kanilang dinner.
Subalit hindi nito sinasagot ang kanyang mga tawag. Pero hindi na siya nabahala. Malamang nakatulog ito matapos mag blow dry ng buhok. She always tells him that she gets sleepy as she brushes and blows her hair dry.
Dumiretso na siya sa unit nito. Nakapasok agad siya sapagkat alam niya naman ang passkey ni Monique.
Tinungo niya ang kuwarto nito. But he did not find her there. He could hear the sound of dripping water on the drain. Napakunot-noo siya. Hindi pa yata tapos maligo ang kanyang fiancee.
Lumapit siya sa pinto ng bathroom.
"Babe, you're not done yet?"
Hindi ito sumagot. He felt odd. Kadalasan, kapag nasa banyo si Monique ay hindi ito maawat sa pagsasalita sapagkat natatakot ito maiwang mag-isa. Kapag may kasama ito sa loob ng condo, nakikisuyo ito na kung pwede, manatili lang sa labas ng pintuan para may kausap ito.
Kaya naman nang makailang katok na siya at hindi pa rin ito sumasagot, nabahala na siya. Binuksan niya ang pinto ng banyo at doon nakita niya na nakalublob sa bath tub si Monique habang nagkalat sa sahig ang bote at takip ng sleeping pills pati na ang mga natitirang gamot.
He got her out of the tub and carried her to the bed. He reached for her towel, wrapped her in it and brought her straight to the hospital.
As they arrived at the hospital, he was asked about what exactly happened to Monique. He explained everything. Na nakita niya ito sa tub na walang malay at nagkalat ang sleeping pills sa sahig.
Naghintay siya sa labas ng emergency room. Tuliro siya. Iniisip niya na kung wala silang plano na mag dinner, baka bukas niya pa ito matatagpuan sa tub.
He was exasperated. Mahigit isang oras na siya naghihintay sa labas ng ER. Tinawagan niya ang kanyang pamilya pati na rin ang pamilya ni Monique.
Ilang sandali pa ay nilapitan siya ng doctor at sinabing kinailangan daw nilang mag-perform ng gastric lavage kay Monique upang matanggal lahat ng na-overdose nitong sleeping pills. Sinabihan din siya nitong na-stabilize na ang condition ni Monique.
He let out a sigh of relief.
He was really worried.
Paano kung hindi naagapan?
His thoughts drifted away as the nurse approached him and told him to fill out and sign some papers so that Monique could be transferred to a private or suite room.
Inasikaso niya naman ito agad. Naghintay siya hanggang sa nakalipat na sa suite room si Monique. Subalit hindi pa rin ito nagigising. Nakuntento nalang siya na pagmasdan itong mahimbing na natutulog. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa tabi ni Monique habang hawak ang kamay nito.
As he woke up, she saw Monique looking intently at her. May mga luhang dumadaloy sa magkabilang pisngi nito.
"Babe, I was really worried!" Aniya sabay yakap dito.
Hindi ito gumanti ng yakap.
"Babe..."
"Sana hinayaan mo nalang akong mamatay."
"What are you talking about?"
Hindi ito sumagot.
"Babe, what's wrong? Tell me."
Hindi pa rin ito nagsalita.
Hindi niya nalang pinilit pa na kausapin si Monique. Anuman ang bumabagabag sa kalooban nito, alam niya na eventually, mag-oopen up din ito sa kanya.
GULUNG gulo isip ni Michael. Napag-alaman niya mula kay Raffy na na-confine si Monique. He was really worried and he felt scared. Genuinely scared.
Agad siyang nag-book ng flight papuntang Manila. Hindi na siya nag aksaya pa ng oras at dumerecho na sa hospital. Naabutan niya na mahimbing na natutulog si Monique katabi ni Raffy.
Bumaba si Raffy sa kama at nagyaya na kumain muna sa cafeteria. Habang pababa sila, hindi niya maiwasang ma-guilty sapagkat panay ang pagkukuwento ni Raffy tungkol sa kalagayan ni Monique. Sinabi pa nito na wala naman itong maisip na dahilan kung bakit naisipan ni Monique na mag overdose sa sleeping pills.
Matapos nilang kumain ay nagyayang magyosi si Raffy. Lumabas sila ng building. Doon, hindi niya na napigilan ang kangyang sarili. Kinausap niya ito.
"I slept with her."
Amused na napatingin sa kanya si Raffy.
"With whom?"
Napabuntong-hininga siya.
"With Monique. I slept with... Monique..." Dahan-dahan at mahinang bulong niya.
"What did you say?" Galit na tanong ni Raffy.
Tumingin siya rito. Alam niyang nagtitimpi lang si Raffy. At alam niya na kahit bugbugin pa siya nito, hindi pa rin iyon sapat para mapatawad siya nito sa kasalanang nagawa niya. Pero mas gugustuhin niya pang bugbugin siya ni Raffy kesa wala itong gawin para mapalabas ang sama ng loob nito.
"I said, I slept with your fiancee."
He inhaled deeply as he saw Raffy grit his teeth and clench his fists.
"At hindi lang isang beses. We f—cked in the showroom, after nating mag-breakfast at busy ka na sa pakikipag-usap kay Xander. We f—cked again inside the hotel suite. And again, in my room, while you were so drunk and peacefully sleeping in the guest—"
Hindi niya na natapos ang iba pang sasabihin sapagkat sinuntok na siya ni Raffy. He punched him so hard that he almost kissed the floor. Dumugo ang kaliwang parte ng kanyang labi.
As he got up, he provoked Raffy again.
"And I'm sure she liked it. She even begged for more."
Tila may sumapi kay Raffy nang mga sandaling iyon. Kitang kita niya sa mga mata nito ang galit. Ilang beses pa siya nitong sinuntok hanggang sa wala na siyang lakas pa para tumayo.
"She went to my room and begged me to f—ck her." Aniya sabay ngisi.
◆❖◆
BINABASA MO ANG
Enslaved Mind
General FictionEntwined Lives Trilogy [Book 1] Monique made a promise to herself that she will remain pure until marriage. But then she met Michael, a ruthless, sex driven guy who's also her fiance's business partner. Will she become the slave of his seduction?