Chapter 26

7K 214 93
                                    

WARNING: SP—freaking—G (Hahaha! Saya n'yo 'no?)

CHAPTER 26

Together

NILAPITAN sila ng isa sa mga caretakers upang ipaalam na handa na raw ang agahan. Naghihintay na diumano sa kanila si Kei. Instead of heading towards the dining area, the caretaker guided them to the old-fashioned gazebo near the cliff.

Habang naglalakad ay nakahawak sa kanyang baywang si Raffy. Inaalalayan din siya nito sa mga mabatong parte ng daanan. She felt the cool breeze on her skin. Tinatangay naman ng hangin ang iilang hibla ng kanyang buhok. Bago niya pa man maisaayos ang mga iyon ay naunahan na siya ni Raffy. Inilagay nito sa likod ng kanyang tainga ang mga takas na hibla ng buhok na tumatabing sa kanyang mukha.

"Gosh! It's like I'm watching a scene from a romance film!" Kei shrieked.

Her cheeks flushed. Kinalma niya ang kanyang sarili. Ang tanda niya na para kiligin. Maglilimang taon na nga ang anak niya!

Ipinaghila siya ng silya ni Raffy. She was sitting in between him and Kei. Nang masigurong nasa ayos na ang lahat ay nag-usal ng dasal ang dalagita.

"Try this, it's delish!" Anito saka iniabot sa kanya ang isang mug ng umuusok na kape. Tinanggap niya naman iyon saka nagpasalamat.

"Café con leche," she said in a thick Spanish accent. "You should pair it with churros," nakangiti nitong dagdag.

Ngayon niya lang lubusang na natitigan ang mukha nito. Napakaganda nitong bata. Lutang na lutang ang pagiging mestiza.

She's enjoying her second serving of bacon when Raffy rested his hand on her thigh. He did it in a very casual manner. Parang kagaya lang noon.

Literal na nanayo ang kanyang mga balahibo sa ginawa nito. Ngunit hindi siya nagpahalata na apektado siya. After all, Raffy might just be doing it due to force of habit. She got lost in their conversation. Hindi niya na masundan ang takbo ng pag-uusap ng mga ito sapagkat nadi-distract talaga siya.

"Right, Ate Monique?" Wika ni Kei.

"H-Huh... Uhm," she just smiled and pretended that she was listening.

"Alright! 'Gotta go. Enjoy your stay at Casa Ysabela!" Ani Kei sabay halik sa kanyang pisngi.

What the hell?

Naiwan silang dalawa ni Raffy sa gazebo. Ang mga kawaksi naman ay nag-aabang lang sa 'di kalayuan. Nakahinga siya ng maluwag nang inalis na ni Raffy ang kamay nito sa kanyang hita.

"Are you cold?" He asked softly. "We can go inside," dagdag pa nito.

Sa totoo lang, giniginaw na siya. And her off-shoulder sundress isn't helping. Pero sunud-sunod ang pag-iling niya. Natatakot sa suhestyon nitong pumasok sila ng bahay. But her stupid body's betraying her. Hindi niya naiwasan ang panginginig ng kanyang mga labi dahil sa ginaw.

"You're shivering," puna nito.

"I... uh, it's a little chilly in here but I can manage. I'd still want to appreciate the view," sabi niya. Hoping that he'd buy it.

Sumilay ang isang pilyong ngiti aa mga labi nito. Alam niyang alam nito na nagdadahilan lang siya. After all these years, both of them still knew each other like the back of their hands.

Tumayo siya. She walked past him and stood beside one of the gazebo's foundations. She feasted her eyes on the magnificent view beyond the cliff.

Narinig niya ang maingay na pagkakahila ng silya nito sa marmol na sahig. Kasunod niyon ay ang mga papalapit nitong yapak sa papunta sa kinaroroonan niya. Nahuhulaan niya na ang susunod na gagawin nito ngunit nang hawakan nito ang kanyang balikat ay hindi niya pa rin naiwasang mapapitlag.

Enslaved MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon